Coleen Garcia relates road-rage encounter with ex-cop who scratched her face

IMAGE Rachelle Siazon

On her Facebook account, Coleen Garcia shared an encounter with an ex-cop who scratched her face after having an argument with her driver. The road rage incident happened Sunday evening at Bonifacio Global City.


FOR THE ENGLISH VERSION, CLICK HERE.

Ibinahagi ng aktres na si Coleen Garcia ang isang road rage incident na naganap sa Bonifacio Global City, kunsaan nagtamo siya ng ilang sugat sa kanyang mukha dahil sa engkuwentro diumano niya sa isang ex-cop.

Sa Facebook post ni Coleen ngayong gabi, May 21, ikinuwento ng Ikaw Lang Ang Iibigin actress na may lalaking bigla na lang daw huminto sa harap ng sasakyan niya, na tinawag niyang “lunatic.”

Saad ng Kapamiya actress, “I just had a very stressful encounter with a lunatic here in BGC.

“He stopped right in front of our car, so my driver stopped right away at nadikitan namin siya (no damages at all btw, we barely even touched his car).

“[A]nd then the man came down, started shouting at my driver, saying 'PULIS AKO!!!' and he started tackling him, in spite of my driver being completely calm and polite to him!”

Nang mag-intervene na si Coleen sa engkuwentro ay bigla raw siyang inatake ng lalaki at ginasgasan ang kanyang mukha.

Pagpapatuloy niya, “So I tried to intervene. I opened the van's door and asked the man what his problem was and he literally attacked me and SCRATCHED MY FACE.

“As in he reached both his hands out and scratched my face, trying to grab me and pull me out so that he could beat me up, too! With absolutely no hesitation!”

Mabuti na lang daw at agad niyang isinara ang pinto ng kanyang van, subalit hindi pa rin tumigil ang lalaki sa pang-aaway sa kanila.

“Good thing I was able to shut the door right away, but he still kept threatening us. ‘Gusto mo ng away? Ha?! Gusto mo ng gulo?!’

“So he brought out his backpack and he was grabbing something from inside. Naturally, we were all on the edge of our seats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He brought out a huge.... light? Ewan. Some kind of flashlight. And he was flashing it at my driver from the outside of our car, again like a complete lunatic.”

Ang ikinalungkot pa raw ni Coleen ay hindi tumulong ang mga pulis na dumating.

Kuwento ni Coleen, “The sad part is, the police were present towards the end of it and they knew what happened.

“They did nothing, except ask if I wanted to continue ironing things out in the station.

“Guys, seryoso, sawa na ako sa police station. Please lang. So I opted to drop it instead, but not after taking photos of his plate number and his ID.”

Sa huli ay binilinan ni Coleen ang kanyang mga kaibigang maging aware sa lalaking kanyang naka-engkuwentro.

“Watch out for this man. He is literally insane, and apparently he's an ex-cop, which (in the Philippines), pretty much means he can get away with anything he wants. I mean it's not like anyone's gonna stop him anyway. I would know.

“PS: While all of this was going on, he drove forward a bit and hit ANOTHER car, whose driver he screamed at as well! Police saw that, too.”

Ipinost din ni Coleen sa kanyang Facebook account, na naka-set na public, ang driver’s license at plate number ng kotse ng lalaki.

Ngunit minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na takpan ang mukha at pagkakakilanlanan ng lalaki.







Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa anumang pahayag na nais ibigay ni Coleen, ng lalaki, at ng lahat ng partidong kasali sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN