Ai-Ai delas Alas expresses support for Sharon Cuneta amid Facebook rant

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas (right) on Sharon Cuneta's rant on Facebook: "May mga taong ganun na nag-e-emote sa Facebook, meron namang tahimik lang na nakikipag-usap sa iba, meron sa Instagram. Kanya-kanya kung paano mo maa-appease yung sarili mo."


Bilang kaibigan ni Sharon Cuneta, malaki ang paniniwala ni Ai-Ai delas Alas na malalampasan ng Megastar kung anuman ang pinagdadaanan nito ngayon.

Kamakailan, inamin ni Sharon na may problema siya kaya kailangan muna niyang mag-unwind sa labas ng bansa.

Pahayag ng Concert Comedy Queen tungkol sa Megastar, “Si Sharon, matigas yun.

“Hindi mo yun matitibag nang basta-basta.

“Si Sharon pa? Megastar.

"The megastar is the megastar.”

Dahil sa kumakalat na balitang nag-uugnay sa asawa ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan kay Senator Risa Hontiveros—na nauna nang pinabulaanan ng Megastar—may nag-a-advise na hiwalayan na nito ang kanyang mister.

Ano ang opinyon dito ni Ai-Ai?

Saad niya, “Ako naman, una ay hindi ako nakikialam sa buhay mag-asawa.

“Kasi hindi mo naman alam kung ano ang nangyayari sa kanila sa loob ng bahay, e. Kung ano yung buong istorya.

“Ang sa akin lang, kapag malungkot ka, text mo lang ako.

“Nandito ako para makinig sa iyo, nandito ako para patawanin ka, ganun.

“Pero hindi ako nakikialam na, ‘Heto, ganito o ganyan ang gawin mo.’

“Kasi sila naman ang nakakaalam niyan, e.

“Sila naman ang magpa-patch ng buhay nila, kasi mag-asawa 'yan, e.

“Hindi mo alam kung ano... oo, ayoko nang mangialam sa mga ganyan-ganyan.”

Pero sa tingin ba niya ay tama ang ginawa ni Sharon na sa social media magbuhos ng sama ng loob? O isapubliko ang anumang problema na mayroon ito sa ngayon?

Ayon kay Ai-Ai, “A, siguro, yun ang outlet niya.

“May mga taong ganun na nag-e-emote sa Facebook, meron namang tahimik lang na nakikipag-usap sa iba, meron sa Instagram.

“Kanya-kanya kung paano mo maa-appease yung sarili mo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa thanksiving luncheon na ibigay sa kanya ng Regal matriach na si Lily Monteverde at anak nitong si Roselle Monteverde dahil sa tagumpay ng pelikulang Our Mighty Yaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ito sa Valencia Events Place, sa Quezon City, noong May 18.

RANTING ON SOCIAL MEDIA. Dahil tila kaswal na sa mga artista ang maglabas ng kanilang sama ng loob sa social media, sabihin mang superstar ito o hindi, inalam ng PEP ang take ni Ai-Ai tungkol dito.

Saad ng actress-comedienne, “Iba na kasi ngayon, iba na ang buhay ngayon.

“Lalo na dahil na rin nga sa social media.

“E, ang mga 'yan, lalo na ang batch namin, sanay ang mga 'yan na ang mga naninira lang ay mga press.

“Na kung kaibigan mo yung press, puwedeng, 'Puwede ba ibalato mo na lang sa akin?'

“Paano mo sasabihin sa social media yun?

“E, hindi mo naman kilala yung mga gumaganun sa iyo.

“Yung iba diyan, bogus, hindi naman totoong account nila.

“So, wala kang laban.”

Patuloy niya, “Ang laban nila [mga artista], sumasagot na lang sila, parang ganun.

“Tutal, kami, kilala niyo; kayo, hindi naman kilala.

“Unfair naman sa amin, di ba?”

Dumating nga rin daw siya sa puntong maging ang Instagram account ni Ai-Ai ay dine-activate niya dahil sa negative comments.

“Ako? Oo nga, e. Sayang nga yun, e.

“Kung alam ko lang noon na ganun pala yun, na huwag mo lang pansinin, sayang mga 350,000-plus [followers] din yun, binura ko na yun!

“Binura ko yung IG ko, sana nasa isang milyon na ako ngayon. O baka hindi pa...

“Ngayon, hindi na nila ako makita. Yung iba, hindi ko na rin makita, e,” pahayag ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN