Vilma Santos reveals what she admires about Jessy Mendiola

IMAGE Allan Sancon / Jessy Mendiola Instagram

Batangas Representative Vilma Santos-Recto on son Luis Manzano's relationship with Jessy Mendiola: "Kapag nakikita kong masaya ang anak ko kay Jessy, at masaya rin si Jessy, doble ang saya ko. Kasi wala naman tayong... but to see your children happy."


Iginiit ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto na hindi siya kontra sa relasyon ng panganay na anak na si Luis Manzano at ng aktres na si Jessy Mendiola.

Sa phone-patch interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng veteran columnist-radio host na si Aster Amoyo kay Vilma, sa radio program na Inside Showbiz sa dzRJ 810 kahapon, May 21, inusisa namin kung kumusta ang relasyon nilang dalawa ni Jessy.

Pahayag ng Star for All Seasons, “Si Jessy naman, she's very natural.

“Nakapa-natural na... she's only 24.

“Ang nagugustuhan ko lang talaga sa kanya is, what you see is what you get.

“Hindi siya yung magpi-pretend na napaka-prim and proper, na laging maayos magsalita.

“Kung ano yung nakikita mo sa kanya, yun siya. Kaya siguro mas nagugustuhan ko.

“And, I guess, the most impotant thing is, at the end of the day, hindi naman ako ang dapat magdesisyon.

“Nakikita kong masaya ang anak ko.

"At kapag nakikita kong masaya ang anak ko, hindi hamak na doble ang saya ko.

“Nakikita kong masaya sila ni Jessy.”

Patuloy ni Vilma, “One thing pa about Jessy, kapag magkasama sila, pag nakikita ko, parang she's not competing with Lucky kasi.

“That's one na na-admire ko.

“I don't know… baka kaya siguro sila nagki-click.

"And maybe, hindi siya… although isa rin siyang celebrity, every time they're together, parang napansin ko lang na parang hindi siya nakikipag-compete kay Lucky.

“Parang ganun ba? Kung ano lang yung lambing niya na, ‘I'm you're  girlfriend,’ parang yun ang papel niya, na parang hindi siya celebrity too.

“Kaya siguro, in a way, nagiging masaya rin ang anak ko.

“At kapag nakikita kong masaya ang anak ko kay Jessy, at masaya rin si Jessy, doble ang saya ko.

“Kasi wala naman tayong... but to see your children happy."

FUTURE DAUGHTER-IN-LAW. Muling binanggit ni Vilma na boto siya sa Kapamilya actress bilang future daughter-in-law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang masama dun.

“Jessy is a very nice lady. Gusto ko yung pagkaano niya.

“Maybe she's young, she's 24, gusto ko yung pagka-bagets niya, kasi anything goes.

“She's just natural, and I like that.”

Sa puntong ito, inalam ng PEP kung kinukulit ba niya ang 36-year-old son na mag-asawa na. Nilalambing ba niya itong bigyan na siya ng apo?

Pabirong pahayag ng multi-awarded actress, “Minsan nanunukso lang ako sa kanya.

“Nanunukso lang na, 'Anak, ilang taon ka na? Tapos kami, wala na kaming baby.

“‘Imagine, 34 ka na, si Ryan, 21 na. Wala na kaming baby, baka puwede naman na.’

“Kasi ang baby na lang namin ay puro aso!”

Ngunit giit ng actress-politician, “Pero ano lang naman, hindi pushing na...”

Si Ryan ang anak ni Vilma kay Senator Ralph Recto.

Ano naman ang naging reaksiyon dito n Luis?

Aniya, “Natatawa lang. ‘Don’t worry, Mom, don't worry, it will come.’”

Ipinagdarasal din ng Batangas representative na maging maayos ang fractured right foot ng anak, na sana raw ay hindi na dumaan pa sa isang surgical procedure pagkalipas ng ilang linggong pagka-cast dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN