Jennylyn Mercado dismisses rumored engagement to Dennis Trillo

IMAGE Noel Orsal

Jennylyn Mercado on possibility of getting engaged to boyfriend Dennis Trillo: "Mukhang malabo pa po 'yan."


Bagamat masaya ang pagbabalikan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, tila nananatiling top priority ng magkasintahan ang kanilang career.

Sa ginanap na press conference ng My Love From the Star noong nakaraang linggo, natanong ang aktres kung handa na siya kung sakaling mag-propose sa kanya si Dennis.

Sagot niya, “Hindi ko pa po alam. Pero sa ngayon, mukhang malabo pa po 'yan.

“Wala pa po kaming napag-uusapan. At saka malabo pong mangyari 'yon.”

Sa ngayon ay parehong abala sina Jennylyn at Dennis sa kani-kanilang bagong teleserye sa GMA Network.

Si Dennis ay isa sa mga bida sa Mulawin vs. Ravena, na magsisimula ngayong Lunes, May 22.

Si Jennylyn naman ay ang lead actress sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na My Love From the Star, na magsisimula sa May 29.

Beautiful???? #auroraborealis #northernlights

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Bago pa ang pahayag ni Jennylyn, nauna nang pinabulaanan ni Dennis ang balitang engaged na sila ng kanyang girlfriend.

Sabi ng aktor, “Mangyayari yun kung oras na, di ba?”

Kung sakaling mangyari, magiging pribado raw ang kanyang magiging plano.

Ayon kay Dennis, “Hindi rin ako yung ganung klaseng tao na broadcast ang lahat ng nangyari sa buhay.”


Stories We Are Tracking

Dennis surprised by rumored engagement to Jennylyn
Dennis surprised by rumored engagement to Jennylyn


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN