Heart Evangelista gets bashed for 'confusing' IG caption

IMAGE Instagram photos of Heart Evangelista

Netizens bash Kapuso star Heart Evangelista for confusing caption of her Instagram post.


Mali ba ang English grammar sa caption ni Heart Evangelista sa isa niyang Instagram post?

Ilang netizens kasi ang pumuna sa Kapuso actress-TV host dahil sa caption ng kanyang post noong Linggo, May 21.

Sabi ni Heart: “Hey Sunday, what's up? The [symbol of sun] is.that's what. #HappyHeart19”

Ang tila ibig sabihin ng aktres sa kanyang caption ay mataas o tirik na ang araw.

Hey Sunday, what's up? The ? is.that's what. ???? #HappyHeart19 @stylebylovemarie_e

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Para sa ilang nakakita ng post, hindi nila makuha o maintindihan ang caption ng Mulawin vs Ravena star.




Dahil sa mga negatibong reaksiyong ito, hindi napigilan ng kapatid ni Heart, si Camille Ongpauco, na ipagtanggol ang aktres.

Sabi ni Camille sa mga bumabatikos kay Heart, "Why don't you just stop trolling on her IG and do something more significant with your life.”

Patutsada pa niya sa mga hindi nakaintindi sa caption ng kapatid, “If you can't understand her caption then tough luck!!!”


Samantala, may ilang fans din ang agad na dumepensa sa Follow Your Heart host sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng ibig sabihin ni Heart sa kanyang caption.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN