Ken Chan posts cryptic message on Facebook: "Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko."

IMAGE Noel Orsal

Hindi napigilan ni Ken Chan na magparinig sa isang taong tila duda sa kakayahan niya at narating sa showbiz. Ayon sa Meant To Be star, narating niya ang kanyang tagumpay dahil sa Diyos, pag-alaga ng GMA, at sa pagmamahal ng kanyang pamilya. 


Bihirang mag-rant sa kanyang social media accounts ang Kapuso star na si Ken Chan.

Pero ngayong Martes, May 23, tila hindi na napigilan ng Meant To Be actor na paringgan ang isang taong “punung-puno ng poot sa dibdib” laban sa kanya.

Base sa kanyang Facebook post, tila kinukuwestiyon ng taong tinutukoy niya ang narating ni Ken sa showbiz.

Hindi pinangalanan ni Ken ang taong tinutukoy niya.

Pahayag ng 25-year-old actor, “Kung nasan man ako ngayon yun ay dahil sa talent na binigay sa akin ng Panginoon, sa pagmamahal sa akin ng pamilya ko, sa pag-aalaga sa akin ng GMA7 at sa mga taong walang sawa ang suporta sa akin…

“HINDI DAHIL SAYO. Hindi ko hahayaang masira ang pinaghirapan ko ng dahil lang sa taong punong-puno ng poot sa dibdib.

"Sobra ang pasasalamat ko dahil marami ang nagmamahal sa akin. Kaya hindi ko kayo kailangan sa buhay ko.”

Dagdag pa ni Ken, “Walang makakapigil sa mga bagay na gusto kong gawin.

"Hihinto lang ako kapag sinabi ng Panginoon pero IKAW hinding-hindi mo ako mapapahinto.

"Ipagdarasal na lang kita."

Si Ken ay nagsimula sa showbiz bilang bahagi ng defunct late-night variety show ng GMA Network na Walang Tulugan with the Mastershowman ng namayapang si German ‘Kuya Germs’ Moreno.

Naging big break niya ang panghapong serye ng GMA-7 na Destiny Rose, kung saan gumanap siya bilang transgender.

Dahil sa kanyang pagganap dito ay nanalo siyang Teleserye Actor of the Year sa The PEP List Year 3 noong 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN