BoybandPH grateful that Sandara Park stays in touch with them

IMAGE Instagram (@daraxxi)

BoybandPH members are all praises to Sandara Park, who still communicates with them months after they won in Pinoy Boyband Superstar, where the K-Pop star was a judge.


Ayon sa limang miyembro ng BoybandPH, patuloy pa rin ang komunikasyon nila sa Pinoy Boyband Superstar judge na si Sandara Park.

Ang BoybandPH ay binubuo nina Russell Reyes, Niel Murillo, Ford Valencia, Tristan Ramirez, at Joao Constancia.

Sila ang limang nanalo sa boyband search ng ABS-CBN na Pinoy Boyband Superstar, na tumakbo mula September hanggang December 2016.

Kasamang naging hurado ni Sandara sina Aga Muhlach, Yeng Constantino, at Vice Ganda. Si Billy Crawford naman ang host ng programa.

Kahit matagal nang tapos ang Pinoy Boyband Superstar, nananatiling close ang BoybandPH sa K-Pop star.

Ayon kay Russell, “Sobrang supportive siya talaga, kasi pagkatapos ng competition namin hanggang ngayon, she’s always supporting us.

"[Our] music videos, she always tweets about it, she always retweets."

Sa katunayan, nagkasama-sama raw silang muli kamakailan nang imbitahan sila ng dating 2NE1 member sa premiere night ng pelikula nitong One Step.

Sabi ni Russell, “Friday, she invited us to her premiere of her new movie.

"So, that was really awesome. We got to have dinner with her."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang BoybandPH sa launch ng Vivo V5s mobile phone, na ginanap sa SM Annex sa Quezon City, noong May 19.

Hindi raw nila inakalang sa kabila ng kasikatan ni Sandara, may malasakit ito sa kagaya nilang baguhan.

Pahayag ni Russell, “It’s amazing kasi kahit sikat na sikat siya, sobrang mabait siya, and she’s still really keeps up with us. For that, we are grateful.”  

Bukod dito, dumalo rin ni Sandara sa first digital concert ng grupo noong May 7.

Sabi ni Joao, “She came to our concert. That was surprising, we didn’t expect.” 



Sabi naman ni Tristan, “Sa sobrang busy niya pa, naisingit niya pang manood sa amin at suportahan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang nakakataba ng puso yun."  

Dagdag pa ni Joao, “And we have a group together with Ate Sandara.

"So, kinakamusta niya kami from time to time, just making sure we are doing well, we’re doing fine.

"We’re talking from time to time. She’s great."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN