Renz Fernandez on being rejected by girls: "Hindi ko alam kung bakit, e. May curse yata ako."

IMAGE Noel Orsal

Renz Fernandez on being rejected by women that he courts: "Minsan napapaisip din ako. Pero normal din lang naman yun. Sa tingin ko, dapat aware ang mga tao sa situation nila, na sana nararamdaman nila. Lalo na sa amin [mga artista], kailangan sa emotions yung pinaglalaruan. So, kailangan talaga aware ka sa current state mo."


Nananatiling magkaibigan sina Renz Fernandez at Kris Bernal.

Ayon kay Renz, tuloy pa rin ang pag-uusap nila kapag may pagkakataon.

"Like, nagkita kami the other day, 'hi-hello.'

"Pag birthday niya, gini-greet ko siya," sabi ni Renz sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Para sa mga hindi nakakaalam, nanligaw noon si Renz kay Kris. Pero hindi ito nauwi sa totohanang relasyon.

Pinabulaanan ni Renz na kaya siya huminto sa panunuyo kay Kris ay dahil nawalan siya ng gana.

Sabi ng My Love From The Star actor, "Ay, hindi, hindi...

"Parang hindi naman niya ako type, e. So, kaya ganun.

"Hindi ako sumuko... hindi, hindi.

"Walang katotohanan 'yang mga 'yan."

BROKENHEARTED. Kumusta naman ang love life niya ngayon?

Mabilis niyang sagot, "Lagi akong brokenhearted, e.

"So, okey lang yun sa akin, ginagamit ko sa acting.

"Hindi ko alam kung bakit, e. May curse yata ako...

"Totoo 'yan, wala pa akong naging girlfriend."

Matapos ang panliligaw niya kay Kris, hindi na raw siya nagkaroon ng kasintahan.

"Totoo, hindi na ako nagkaroon ng girlfriend.

"Pero marami akong minahal. Nililigawan ko naman at saka... yung iba, friend-friend lang.

"Baka lang siguro hindi kami compatible kaya yun, na-realize ko.

"So, kung ganun, out na, kaysa naman pilitin."

Hindi ba napu-frustrate si Renz tuwing naha-heartbroken siya?

Tugon ng anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, "Minsan napapaisip din ako. Pero normal din lang naman yun.

"Sa tingin ko, dapat aware ang mga tao sa situation nila, na sana nararamdaman nila. 

"Lalo na sa amin [mga artista], kailangan sa emotions yung pinaglalaruan.

"So, kailangan talaga aware ka sa current state mo."

FRIENDSHIP. Ayon kay Renz, walang kinalaman ang pagiging artista niya kung bakit hindi siya nagugustuhan ng mga natitipuhan niya.

"I don't think na yun ang rason. Maybe, I think, hindi lang compatible.

"Maybe, baka hindi ko rin nagustuhan, zoom out na ako. Mga ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga crush daw si Renz, pero hindi niya ito nililigawan o pinadadalhan ng mga bulaklak, gaya ng ginawa niya noon kay Kris.

Paliwanag niya, "Parang more of nakikipagkaibigan lang ako ngayon."

Nakita na raw ni Renz ang kopya ng FHM kung saan cover at featured celebrity si Kris.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot niya, "Ayos-ayos, sexy naman siya."

Para kay Renz, hindi dapat maapektuhan si Kris sa mga pamumuna at pamimintas ng ibang tao sa kapayatan niya.

"Okey lang yun, gamitin niya o i-channel lang niya yun ito something positive," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN