Vina Morales moves on after breakup with French boyfriend

IMAGE Reielle Deslate

Vina Morales on her next relationship: "Para sa akin, kung ano yung perfect match from God, yun na lang. Kasi pag pinilit ko kung ano ang gusto ko, it won't work. Ayokong ipilit ang gusto ko. Kung ano ang ibibigay sa akin, dun na lang ako."


Nananatiling positibo si Vina Morales sa kabila ng breakup nila ng kanyang French boyfriend na si Marc Lambert.

Ang pagiging malayo nila sa isa’t isa ang sinabing dahilan ng singer-actress kaya nagdesisyon silang tapusin ang kanilang relasyon pagkatapos ng dalawang taon.

Read: Vina Morales opens up about breakup with French boyfriend

Ngunit, ayon kay Vina, kasalukuyan na siyang nagmu-move on mula sa breakup nila ni Marc.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “My heart is healed, moving on. I am moving forward.

“I know naman ilang beses na rin akong I’ve fallen in love, tapos nasaktan ako.

“Ganun lang talaga ang buhay. I always believe that God has somebody for me.

“I’m positive naman na mayroon talagang para sa akin.

“Like what I’ve said with my past interview, Marc and I are still good friends.

"We still communicate. We just gave each other space.

“I respect him and I wish him the best.”

Sa tulong ng pagdarasal at ng kanyang pamilya’t mga kaibigan, nagiging madali raw para kay Vina ang pagmu-move on.

Ano ang naging reaksiyon ng kanyang pamilya nang sabihin niyang break na sila ni Marc?

Ayon kay Vina, “They were surprised at first, pero very supportive kasi ang family ko.

“Kung ano ang makakabuti sa akin, nandodoon sila and talagang 100 percent support ang ibinigay nila sa akin.”

Naniniwala naman ang 41-year-old Kapamilya star na mayroong lalaking nakalaan talaga para sa kanya.

“I always think kasi positive na mayroong para sa akin, sa ating lahat, di ba?

“Hindi natin masasabi kung sino man yun, I still believe na may forever pa rin naman.

“Medyo nagkaka-delay-delay lang ng kaunti.”

Nakausap ng PEP at Cinema News si Vina sa 25th anniversary celebration ng Star Magic sa ASAP, na ginanap sa Araneta Coliseum, noong Linggo, May 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Dahil magkalayo nga sila—bilang si Marc ay naka-based sa Geneva, Switzerland, at si Vina naman ay nandito sa Pilipinas—napatunayan ng singer-actress kung gaano kahirap ang long-distance relationship.

Saad niya, “Mahirap. I know everyone can relate and naiintindihan ang situation namin.

“Either you have to give up something here or he has to give up something there.

“Kailangan swak kayo, e. Kailangan pareho kayo ng desisyon sa buhay.

“Right now, it’s so hard to give up so many things here

“I have my daughter Ceana, and she is my priority.

“My career naman is doing well, and my business.

“Para sa akin, mahirap mag-decide now kung ano ba talaga ang magiging situation naming dalawa.

“It’s better to give space muna for each other.”

Si Ceana ay anak ni Vina sa dating karelasyon na si Cedric Lee.

Mutual daw ang desisyon nina Vina at Marc na tapusin na ang kanilang relasyon.

Paliwanag niya, “It’s hard... we just kept on travelling.

“Ang maganda sa amin, we tried to meet each other pag mayroon kaming time.

“It just so happened na mahirap lang talaga ipagpatuloy if he wants a real serious one or really settle down.

“At this point, ang laki ng igi-give up namin on both sides.”

LOWEST POINT. Inamin ni Vina na iniyakan niya nang husto ang pagtatapos ng relasyon nila ng French boyfriend.  

“Oo, mahirap talaga. Nagkaroon din ako ng stage na I was down.

“Hindi lang halata ‘coz I know how to handle myself. I have to be strong for my daughter.

“But that stage is done, it’s already finished.

“So I’m moving on, I’m moving forward.

“Dumarating talaga yung point, yung lowest point ko sa relationship namin na talagang umiiyak ako, nahihirapan ako.

“But I just have to accept the fact that we’re far away and our situation is not perfect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, acceptance lang talaga and, from there, okay na.”

Nilinaw rin ni Vina na hindi sila umabot sa engagement ni Marc.

“Walang engagement... well, napag-usapan naman yun before.

“Hindi naman mawawala yun dahil di naman biro na relationship yun, we were serious.

“It just happened it didn’t work out.

“We decided na mas maganda muna na mag-part ways since marami kaming priorities sa buhay ngayon.”

OPEN FOR RECONCILIATION. Sa kabila ng paghihiwalay nila, hindi isinasara ni Vina ang kanyang pintuan sa pakikipagbalikan kay Marc.

“I’m not closing my doors, even him.

“Wala namang makakapagsabi kung talagang if we are meant for each other.

“As of now, we are just enjoying our separate lives.

“May sarili siyang plano sa buhay, I also have my own plans.”

Dagdag pa niya, “Maganda yung breakup naman namin.

“Sa age na ito, hindi na kailangang mag-away-away, e.”

Sa ngayon, inamin ni Vina na lumalabas siyang muli at nag-e-entertain ng mga bagong manliligaw.

Pahayag niya, “I am ready, bakit ba ako magsasayang ng oras?

“I am ready to find somebody kung mayroon man diyan.

“Mayroon namang nagti-text, inviting me out, pero titingan ko muna kung seryoso ba ito.”

May mga mas bata raw kay Vina na nagpaparamdam sa kanya.

“Pero teka muna, ready ba ako sa ganyang situation na mas younger sa akin?

“That I cannot answer right now, pero bakit hindi?

“Pero not so young siguro.

“Mas matanda naman sa kapatid, mas matanda kay Shaina [Magdayao] dapat.”

Ano ang mga katangiang hinahanap niya sa susunod na magiging boyfriend?

Ayon kay Vina, “They always ask me what I want in a guy.

“Sabi ko nga, ngayon, I cannot want what I want.

“Para sa akin, kung ano yung perfect match from God, yun na lang.

“Kasi pag pinilit ko kung ano ang gusto ko, it won’t work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayokong ipilit ang gusto ko.

“Kung ano ang ibibigay sa akin, dun na lang ako. 

“I will not ask for ganito ang gusto ko, ganitong character, ganito siya dapat.

“Basta kung sino ang para sa akin, dun na lang ako. Ipagpe-pray ko na lang.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN