Anne Curtis, Jake Ejercito, Iñigo Pascual, other celebs react to Marawi clashes

IMAGE Allan Sancon / Noel Orsal

Jake Ejercito, Anne Curtis, and Iñigo Pascual are some of the celebrities who used the hashtag #PrayForMarawi in their tweets, following the clashes between the military and terrorists in Marawi City. They also appealed for unity and prayers instead of posting hate messages. 


Sa pamamagitan ng Twitter, nanawagan ng pagkakaisa at dasal ang ilang mga artista kaugnay ng sumiklab na engkwentro sa pagitan ng militar at local terrorist groups sa Marawi City.

Nakipagsagupa ang mga sundalo laban sa mga hinihinalang grupo ng Maute group sa Marawi City nitong Martes, May 23.

Bunsod ng pangyayari, nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao sa loob ng 60 araw.

Kasalukuyang nasa Russia ang Pangulo nang sumiklab ang gulo, ngunit pinutol niya ang kanyang state visit upang makabalik agad sa Pilipinas.

CELEBS TWEET. Isa-isa namang nag-post ng mensahe sa social media ang ilang artista upang ihayag ang kanilang saloobin sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi.

Kabilang dito sina Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Ogie Alcasid, BB Gandanghari, Karylle, at Matteo Guidicelli.

Narito ang kanilang tweets:

IÑIGO PASCUAL. Nag-post naman ng maiksing video si Iñigo Pascual sa Twitter ngayong Miyerkules ng umaga, May 24.

Ayon sa anak ni Piolo Pascual, labis siyang naapektuhan ng balita.

Kalakip ng nasabing video ang panawagan na magkaisa sa halip na magwatak-watak.

“I can't keep this out of my mind. Instead of allowing this to divide us let us stand as one.”

Pahayag ni Iñigo sa video: “I’m making this video to encourage everyone to actually pray for Marawi.

“I know it’s easy to send a tweet but a simple prayer could help a lot. It’s the strongest thing we could do right now.

"Personally, I feel guilty to even rejoice over anything knowing that those people over there are suffering, so let’s pray for our countrymen, let’s pray for Marawi.”

Hinimok din ni Iñigo ang kanyang mga tagasuporta na ipagdasal ang Pangulo at huwag itong sisihin sa mga nangyayari.

“Let’s pray for our President, of course, let’s not put the blame on him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Instead, let’s pray for the people that are trying to help our country right now.

“Stay positive and stay smiling. As much as possible claim that everything will be over soon.”

JAKE EJERCITO. Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Jake Ejercito dahil pinapasukan pa umano ng pulitika ng ibang tao ang nangyayaring kaguluhan sa Marawi.

Pakiusap ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada, magkaisa at huwag bahiran ng anumang kulay-pulitika ang nangyayari sa Marawi.

“How some people are politicising the events in #Marawi right now is beyond distasteful. Ditch your yellows/reds. Stand united against hate”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN