Baste Duterte reveals reason for joining dad's Russia state visit

IMAGE Noel Orsal

"It's not what I expected it to be, yung nakikita ko sa TV. It's a lot more beautiful. It's a beautiful place here in Moscow," says Baste Duterte, who joined dad President Rodrigo Duterte's official visit to Russia.


Sa kauna-unahang pagkakataon, sumama si presidential son Baste Duterte sa official trip ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pinalampas ng bunsong anak ni Duterte ang pagkakataong bumisita sa Russia, sa pamamagitan ng pagsama sa four-day official visit ng Pangulo roon.

Sa panayam ng Philippine News Agency (PNA) kahapon, May 23, sinabi ni Baste na talagang hiniling niya sa ama na isama siya kung sakaling magkaroon ito ng official trip sa Russia.

Pahayag ng presidential son, “Sinabi ko naman talaga before pa, when he won presidency, sinabi ko talaga na kapag pupunta siya ng Russia, sasama talaga ako.

“Gustung-gusto kong makita si [Russian President Vladimir] Putin.

“I've always liked Russia even before, even during the Cold War, how they positioned themselves in the international community.

“Kaya gusto ko lang makita ang lugar, kung ano ang mga tao, and the culture, of course.”


Nang tanungin kung ano ang inaasahan niyang gagawin sa kanilang pagbisita sa Russia, sagot ni Baste, “Sight-seeing. See if we can learn something new.

“Wala rin naman kasing nakakarating sa ating information because of the language barrier, mga English-speaking countries na media lang naman ang pumapasok sa atin.

“I'm looking forward to learning something about Russia that my help myself, not only for me, but also I can provide to my family and friends back in the Philippines.”


Si Baste ay bunsong anak ni Duterte sa dating asawang si Elizabeth Zimmerman.

Kapatid niya sina Davao City Mayor Inday Sara Duterte at Vice Mayor Paolo Duterte.

Bukod kay Baste, kasama rin sa official visit ni Pangulong Duterte sa Russia ang long-time partner niyang si Cielito “Honeylet” Avanceña at anak nilang si Veronica.

Ang panayam ng PNA kay Baste ay naganap bago ang pag-atake ng mga miyembro ng teroristang grupo ng Maute sa Marawi City, Lanao del Sur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, nagpasya si Duterte na agad bumalik sa Pilipinas at hindi na tapusin ang kanyang apat na araw sanang pagbisita sa Russia.

Ito ay upang bigyang-pansin ang kaganapan sa Mindanao, kung saan isinailalim niya sa martial law sa loob ng 60 araw.

Wala pang anumang ulat kung kasama ni Duterte pabalik sa Pilipinas ang kanyang pamilya.

Inaasahang ang pagbalik ng Pangulo ngayong hapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN