Was Maine Mendoza's videoke session with DTBY co-stars held at Sef Cadayona's house?

IMAGE Instagram @mainedcm / @sefcadayona

Maine Mendoza's rumored romance with Sef Cadayona resurfaces following her much-speculated videoke session with Destined To Be Yours co-stars Sheena Halili and Juancho Trivino. Netizens are asking: Were Maine's Instagram stories of their videoke session taken at Sef's house? 


Usap-usapan sa social media na patuloy ang diumano’y ugnayan sa pagitan ng Kapuso stars na sina Maine Mendoza, 22, at Sef Cadayona, 28. 

Kaugnay ito ng ibinahagi ni Maine na Instagram stories ng videoke session nila ng Destined To Be Yours co-stars niyang sina Juancho Trivino at Sheena Halili.

Dito ay makikita ang masayang bonding nila sa living area ng isang bahay, base sa larawan ni Sheena, na nakaupo sa sofa, at ni Juancho, na nakatayo sa isang sulok malapit sa bintana.

Walang nabanggit kung kanino ang bahay na pinuntahan ng grupo, at hindi rin kasama si Sef sa Instagram stories ni Maine.

Ngunit pinaghihinalaan ng ilang netizens na sa bahay ni Sef ginanap ang videoke session nila Maine. 

ALLEGED HOUSE'S SIMILARITIES. Isang netizen ang nagkumpara sa location kung saan ginanap ang videoke session nina Maine sa hitsura ng bahay ni Sef, na kuha mula sa April 22, 2016 episode ng GMA-7 lifestyle show na Dream Home.

Itinuro ng netizen na magkahawig ang divider na nasa bandang likuran ni Sheena (kuha mula sa IG story ni Maine) at sa divider ng sala at kitchen ni Sef (kuha mula sa Dream Home).


Pati ang sofa na kinauupuan ni Sheena ay ikinumpara rin ng netizen sa sofa sa bahay ni Sef.


Magkahawig din daw ang ceiling panel sa kuha ni Juancho mula sa Instagram ni Maine at sa ceiling panel sa bahay ni Sef. 


Minsan nang nasabi ni Maine na itinuturing niyang malapit na mga kaibigan sina Juancho at Sheena.

Madalas kasing magkasama ang tatlo sa out-of-town taping ng Destined To Be Yours. 

Habang si Juancho at non-showbiz girlfriend nitong si Cheska Mendiola ay minsan nang namataan kasama si Sef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama rin sina Juancho at Sef sa gag show na Bubble Gang.


NETIZENS' REACTION. Bunsod ng koneksiyong ito, partikular na ang kinukuwestiyong videoke night ng grupo, muling naungkat ang isyung may lihim na namamagitan diumano kina Maine at Sef.  

Sa huling Instagram post ni Maine ay umabot na ng mahigit 1,600 ang palitan ng comments mula sa kanyang fans at ilang netizens na nambabatikos sa dalaga. 

Lalo pa't si Maine ay kalahati ng sikat na tambalang AlDub (Alden Richards at Yaya Dub), na unang nakilala sa Eat Bulaga! "Kalyserye" noong 2015. 





DEFENDING MAINE. Nananatiling tikom ang bibig ni Maine sa isyu.

Pero maging ang girlfriend ni Juancho na si Cheska ay inulan din ng comments mula sa netizens, na nais malaman kung totoo ang napapabalitang ugnayan nina Maine at Sef.

Sa Instagram post ni Cheska kahapon, May 23, isang netizen na may handle name na @42abmam ang nagtanong: “@cheskamendi kilan ulit kayo babalik nila @juanchotrivino sehnna halili sa bahay ng BF @sefcadayona ni Maine so @sefcadayona para mag videoke ulit.."

Dagdag pa ng netizen, “kaya Pala close agad Kay Maine. DHL SA IG stories ni Maine nabisto kayo..

“Wag nyo ng pagtakpan kalandian ni Maine”


Isa pang netizen na may handle name na @maan_c_ ang humirit ng: “know the meaning of kalandian in a dictionary”


Sa puntong ito ay hindi pinalampas ni Cheska ang pagtawag ng "malandi" kay Maine ng ilang bashers. 

Buwelta ni Cheska, “Maine is very far from malandi. She is genuine and super mabait! Super friendly pa [lovestruck emoji]”


Matatandaang Enero 2017 nang unang lumabas ang isyung nag-uugnay kina Maine at Sef.

Ito ay sa kadahilanang nabigyan ng kahulugan ang pag-like ni Maine sa Instagram post ni Sef, at pati na rin ang pag-follow sa Instagram ni Sef ng kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza.

Ngunit sa kasagsagan ng isyu ay naglabas ng makahulugang tweet si Maine na nagsasabing “Get your facts straight.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Is Maine alluding to rumors linking her to Vico, Sef?
Is Maine alluding to rumors linking her to Vico, Sef?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN