Did Rocco Nacino like a negative post about Alden Richards?; Rocco claims his social media account was hacked

IMAGE James Patrick Anarcon

Did Rocco Nacino like a negative post about Alden Richards on Instagram? The Kapuso actor claims that his social media account was hacked.


Na-hack nga ba ang social media account ni Rocco Nacino?

Base sa kanyang Twitter post kahapon, May 23, sinabi ng Encantadia actor na may nagtangkang i-hack ang kanyang social media account.

Hindi nilinaw ng Kapuso actor kung aling social media account niya ang sinubukang i-hack.

Ngunit sa thread ng Twitter post niya, mahihinuha na ito ay ang kanyang Instagram account.

Sabi ni Rocco: “Huh? Whats happening? I think i have to change my password. Stop trying to hack my account you bastards.”

Pero may ilang netizens na hindi naniniwalang na-hack ang account ng aktor dahil sa timing daw nito.

Nagkataon kasing bago ang post niya sa Twitter, nakitang ni-like ni Rocco ang isang Instagram post na may negatibong komento tungkol kay Alden Richards.


Mapapansin na ang karamihan ng nagsabing hindi sila naniniwalang na-hack ang account ni Rocco ay AlDub fans.

Ang AlDub ay ang tawag sa phenomenal love team nina Alden at Maine Mendoza.

Katuwiran nila, hindi maaaring ma-hack ang account ni Rocco dahil verified ito.

Ngunit ayon sa website na boostlikes.com, hindi kasiguraduhan ang verification badge para hindi ma-hack ang isang Instagram account.

“All it does for this network is make it easier to identify you as being you, rather than someone who shares your name or who is impersonating you.

“It’s just an icon, and carries no special powers, access, or security.

“Verification won’t make it any harder to hack or access your account, nor does it give you access to any special tools like Pinterest’s does.”

Bukod sa pag-like sa nabanggit na post, mayroon din daw post si Rocco sa Instagram story.

Nang tingnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Instagram stories ni Rocco, walang anumang post na patungkol kay Alden o kay Maine o sa kanilang love team.

Sa kabila ng mga pumuna, may ilang followers din si Rocco na nagpahayag ng kanilang pag-aalala sa pagkaka-hack ng kanyang social media account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, wala pang sagot si Rocco sa mga nagkomento sa kanyang Twitter post.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais niyang iparating tungkol sa isyung ito.

Sina Rocco at Alden ay parehong naging bahagi ng StarStruck Season V, ang reality-based artista search ng GMA Network.

Si Rocco ay itinanghal na Second Prince, samantalang si Alden ay hanggang sa Top 60 lamang umabot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN