Film director Erik Matti curses at Duterte supporters

IMAGE Noel Orsal

Hindi pinalagpas ng supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Facebook at Twitter posts ni Direk Erik Matti kung saan "minura" niya ang mga ito. "Mura" din ang inabot ng batikang direktor mula sa mga bumoto kay Duterte. 


Inuulan ngayon ng mura at batikos ang direktor na si Erik Matti mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng pagmmura rin ni Direk Erik sa “lahat ng bumoto” kay Duterte noong May 2016 elections.

Hindi malinaw kung ano ang pinanggagalingan ng post na ito ng direktor.

Ngunit hinala ng ibang netizens, may kinalaman ito sa pagdedeklara ni Duterte ng martial law sa buong Mindanao, bunsod ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon sa post ni Direk Erik sa Facebook at Twitter ngayong Miyerkules, May 24: “In case you haven't read my tweets before, I'll say it again: 'Sa lahat ng bumoto, pu**ng ina nyo!' Isa pa: 'Pu**ng ina nyo!'




Hindi naman ito pinalampas ng mga pro-Duterte at minura rin ang direktor sa kanilang tweets:









Bago ang pagmumura niya, nag-post din ang direktor tungkol sa grupong ISIS (Islamic State of Iraq and Syria), na diumano’y kasama ng teroristang Maute Group na kasalukuyang naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Sur.


Hindi naman itinatago ni Direk Erik ang pagkontra niya kay Duterte, mula pa noong kampanya para sa May 2016 elections, base na rin sa kanyang lumang Twitter posts.


Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Direk Erik, sa pamamagitan ng Facebook messaging, pero hindi pa ito tumutugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN