Jackie Rice happy for ex-boyfriend on his engagement

IMAGE Noel Orsal

Jackie Rice is enjoying being single a year after her long-term relationship ended, "Gusto ko munang mag-travel mag-isa. Gumimik muna, magdalaga."

 


Naka-move on na raw si Jackie Rice sa breakup nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. 

Seven years tumagal ang kanilang relationship bago sila nagkahiwalay noong 2016.

Ito rin daw ang kanyang travel buddy sa mahabang panahon na nagkasama sila.

“Nakaka-miss in a way,” pag-amin ng Kapuso actress. 

“Pero may mga friends naman akong nandiyan. More time with my dad.

“Naka-recover na ako, may mga shows naman ako, e.

“Hindi naman ibig sabihin na single ka, may pain pa rin."

Diin ni Jackie, "Nakapag-move on na ako."

Sa huling update ni Jackie sa estado ng kanyang boyfriend, engaged na raw ito.

“Parang narinig ko na ikakasal na siya.

“Walang regrets, happy ako para sa kanya. Happy na siya.

“Wala na, wala na kaming communication.”

Sakaling imbitahan si Jackie sa kasal, dadalo ba siya? 

Saad niya, “Marami kaming common friends, e.

"Up to now, lumalabas pa rin kami, yung mga friends niya.

“Kung i-invite niya ako, pupunta ako. Naging kaibigan ko rin naman siya.

“Sa seven years na yun, hindi ko lang siya naging karelasyon, naging friend ko rin siya.

“Ang naputol sa amin, yung relasyon naming girlfriend and boyfriend. 

“Pero yung friendship, nandito pa rin ako.

"Alam niya nandito pa rin ako para sa kanya."

Paano yun kung hindi sila nag-uusap?

Ayon kay Jackie, "Baka ayaw rin ng girlfriend, hindi ko rin alam..."
 
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa presscon ng My Love From the Star noong nakaraang linggo.

LONE TRAVELER. May alinlangan daw si Jackie na pumasok sa panibagong relasyon.

Aniya, “Choice ko rin naman na parang hindi ko pa gustong makapag-commit.”

Paniniwala niya, “Baka wala akong time sa kanya, baka maloko ko lang siya or baka mawala rin.

“Ayokong basta-basta magka-boyfriend. Ano yun, papalit-palit na lang? 

“Gusto ko munang maging single...

"Paano ba maging single after seven years? Hindi ko na alam, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least ngayon, kaya kong tumayo on my own, kasi parang hindi ko kaya dati.

“Yun siguro ang tamang word, kasi ngayon, gusto ko munang mag-travel mag-isa.

“Gumimik muna, magdalaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN