Jackie Rice admits she almost fell for a Cebu mayor's son

IMAGE Noel Orsal

Jackie Rice on her ideal boyfriend: "Hindi naman ako magpapaka-ipokrito, siyempre yung looks. Common na yung mabait. Gusto ko maka-Diyos, number one. Gusto ko walang tattoo, hindi naninigarilyo, hindi magimik. Gusto ko nagtatrabaho lang."


Isang non-showbiz guy ang naging visible sa Instagram posts ng Kapuso actress na si Jackie Rice.

Nagpapadala ito sa kanya ng mga bulaklak at very vocal sa pagsasabi ng "I love you" sa Instagram messages nito.

Certified hunk din ang lalaki base sa IG profile at photo gallery nito.

Ayon kay Jackie, ang non-showbiz guy na ito ay nagngangalang AJ.

Nag-iisang anak daw ito ng isang mayor sa Cebu.

Naging masugid na manliligaw raw niya ito, pero hindi sila nagkatuluyan.

Paliwanag ni Jackie, “Kasi malayo siya, tiga-Cebu siya.

“Alam niyang hindi pa ako ready na mag-commit, mag-boyfriend.

“Parang ayoko yung nagri-report ako. Hindi pa talaga ako ready mag-boyfriend.”

Nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa presscon ng upcoming primetime series ng GMA Network, My Love From The Star, noong nakaraang linggo.

ALMOST THERE. Kuwento pa ni Jackie, umabot sila ni AJ sa puntong “halos parang maging kami na.”

Nahulog naman daw siya dito, “Yun nga lang, malayo, may times hindi kami nagkakaintindihan. 

“Hindi talaga ako puwede sa malayo, lalo na sa trabaho ko, e.

“Wala na nga akong time makita ka, makausap ka, tapos malayo ka pa.” 

Magkaibigan pa rin daw sila kahit may idini-date nang iba ang lalaki.

Saad ni Jackie, “Hindi ko naman sinaktan yun, honest ako sa kanya. 

“Saka bakit ko naman ipipilit ang hindi naman talaga puwede?

“Mahahanap ko rin yung para sa akin.”

Ano bang qualities ang hanap niya sa isang lalaki? 

Tugon ni Jackie, “Hindi naman ako magpapaka-ipokrito, siyempre yung looks. 

“Common na yung mabait. Gusto ko maka-Diyos, number one. 

“Gusto ko walang tattoo, hindi naninigarilyo, hindi magimik. Gusto ko nagtatrabaho lang.

“Gusto ko siya na yung last, alam ni AJ ‘yan. 

“So, pag nag-boyfriend ako, alam na niya, yun na yung last.”

A PUZZLE. Ang ipinagtataka raw ni Jackie, bakit tila ang tingin sa kanya ng iba ay hindi seseryosohin ng lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng nagkaroon na siya ng serious relationship.

Pahayag ng StarStruck alumna, “Conservative ako, seven years yun.

“Walang third party or anything, ayoko ng papalit-palit talaga. 

“Kung hindi mo gusto ng commitment, huwag na lang tayo.”

Nakaka-tatlong boyfriends pa lang daw si Jackie.

Tumagal ng dalawang taon ang relasyon niya sa unang kasintahan. 

Halos tatlong taon naman sila ng aktor na si Biboy Ramirez.

IDOLIZING JENNYLYN. Samantala, puring-puri naman ni Jackie ang co-star niya sa My Love From The Star na si Jennylyn Mercado bilang katrabaho.

Aniya, “Never kong na-feel na na-intimidate ako sa kanya.

"Sobrang bait ni Jen,  wala akong masabi sa kanya.

“Isa siya sa dahilan kung bakit ako sumali sa StarStruck

“Yung tandem nila ni Mark Herras, paborito ko. 

“Idol ko siya, from workout, pagiging singer niya, hosting niya, pagiging best actress niya."

Si Jennylyn ang kauna-unahang female winner ng StarStruck, habang si Jackie naman ang female winner sa Batch 3.

Ayon pa kay Jackie, “First time kong makatrabaho si Jen. 

“Nabalitaan ko na kasama ako sa cast, excited na ako kasi nga napapanood ko na ito.

“Fan ako ng show, fan ako nong mga bida. Ang saya-saya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN