Marian Rivera looks forward to another bonding with Judy Ann and Ryan

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on bonding with married couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo in Italy: "Hindi ko ini-expect na ganun talaga sila ka-down-to-earth na mag-asawa, at ang saya nilang kasama."


Marami ang natuwa sa bonding moments ng showbiz couples na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Naganap ang pagsasama ng apat kamakailan sa wedding ng stylist na si Pam Quiñones sa Puglia, Italy.

Ikinatuwa rin ng maraming netizens ang mga litrato nina Judy Ann at Ryan kasama ang anak nina Marian at Dingdong na si Zia.

Kuwento ni Marian tungkol sa bonding moments nilang mag-anak kina Judy Ann at Ryan, “Nakakatuwa! Hinahawakan nga niya [Judy Ann] si Zia.

"Sabi niya na-miss nga daw niya si Luna.

“Tapos, iyon nga, sabi niya get-together nga daw kami.

“Kasi yung personality ni Luna tsaka ni Zia, mukhang iisa daw.

“Sabi niya, baka may pagkakataon na mag-bonding daw kami with Ryan, Juday, Luna, and Zia. Sabi ko, ‘Sige!’

“Baka may pagkakataon na pag free kami together, magkita-kita kami para magkita yung dalawang bata.”

Si Luna ang bunsong anak nina Judy Ann at Ryan.

Dagdag pa ni Marian, “Napakabait din kasi nung mag-asawa.

“Kaya sabi nga namin, buti may ganitong pagkakataon, at least nagkakakilanlan talaga, hindi yung showbiz lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa press launch ng hinu-host niyang drama anthology sa GMA Network, ang Tadhana, noong May 19.

PRIVATE MOMENTS. Habang nasa Italy sila, sinabihan daw nina Ryan at Judy Ann sina Marian at Dingdong na hihiramin muna nila si Zia para magkaroon sila ng private moments; at sina Judy Ann at Ryan muna ang mag-aalaga kay Zia.

Kuwento ni Marian, “Oo! Sabi nga ni Juday, ‘O sige, Dong, Yan, maggala muna kayo, akin na muna si Zia! Baka kung ano ang gustong gawin niyo, akin na muna si Zia!’

“Sabi ko talaga, ‘Ayoko, kayo na lang dalawa para may time kayo!’

“Nakakatuwa ang mag-asawang iyon, sobrang down-to-earth.”

Unang beses daw iyon na nagkasama silang apat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, nang ganung katagal. Kasi nasa isang village lang kami halos [sa Puglia].

“Tapos, halos every day, every morning, magkasama, tapos bonding nang bonding.”

Ayon kay Marian, nagkasama na rin daw silang apat dati sa Amerika, “Pero hindi ganyang bonding.

“Kasi iyon, trabaho, ito kasi hindi trabaho. Nakakatuwa, kasi nakakasama ko sila.

“Pero hindi ko ini-expect na ganun talaga sila ka-down-to-earth na mag-asawa, at ang saya nilang kasama.”

Open ba si Marian sa posibilidad na magkasama sila ni Judy Ann sa isang pelikula?

“Oo naman!” mabilis niyang tugon.

“Lahat naman ng offer, na ibibigay na pagkakaton, why not?

“Oo! Dyusko, lalo na napakabait niyang… for sure, mabait siya as a person, siguro mas mabait pa siya katrabaho.

“Pero siguro kailangan ko ng bonggang workshop bilang napakahusay niyang aktres.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN