Marian Rivera not yet ready to have another baby

IMAGE Mark Nicdao / Noel Orsal

Bagamat gusto ni Marian Rivera na magkaroon ng maraming anak, hindi pa raw nila susundan ng mister na si Dingdong Dantes ang kanilang panganay na si Zia. Paliwanag ng actress-TV host, "Trabaho na muna ako. Sabi nga ng GMA, di ba? Halos dalawang taon akong hindi nagtrabaho, so it's about time na magtrabaho uli ako."


Kahit gusto ni Marian Rivera na magkaroon ng madaming anak, hindi pa raw ito ang tamang panahon para sundan nila ng mister na si Dingdong Dantes ang kanilang panganay na si Zia.

Pahayag ng tinaguriang Kapuso primetime queen, “Wala! Trabaho na muna ako.

“Sabi nga ng GMA, di ba? Halos dalawang taon akong hindi nagtrabaho, so it’s about time na magtrabaho uli ako.

“Ang tagal ko din naman kasing nagpahinga.”

So, hindi muna siya talaga magbubuntis?

“Hindi, hindi pa! Huwag niyong pangunahan. Magsu-soap [opera] pa ako.

“Hindi ako makakapagtrabaho nang maayos pag buntis ako, magsu-soap muna ako.

“Pero siyempre, kailangan kong bigyan ng space ‘yan dahil siyempre pangarap ko madaming anak.”

Sa kasalukuyan ay napapanood si Marian sa weekly variety show na Sunday Pinasaya at sa bagong drama anthology na Tadhana.

Pero magsisimula na rin siya ng bago niyang primetime series sa Kapuso network.

SEPANX. Kapag may bago na siyang soap opera, paano ang mga oras na nasa taping siya at wala sa tabi niya si Zia?

Saad ni Marian, “Iyon nga, separation anxiety…

“Ito na nga lang, may ginawa akong shoot ko, parang, ‘Ah, alas-otso na, isang araw ko nang hindi nakikita ang anak ko!’

“Ano pa kaya sa soap, di ba?

“Siyempre kailangan kong ikundisyon ang sarili ko na may trabaho ako at nandiyan naman si Dong para sa kanya.

“Kasi usapan namin ni Dong, kapag wala ako, nandiyan siya para kay Zia, which is napagkasunduan naman namin.”

Bakit hindi niya isama si Zia sa taping?

“Baka hindi ako makapag-concentrate! Baka sabihin ng direktor, ‘Yan, roll na.’

"‘Mamaya na, Direk! Dito muna ako sa anak ko, magpapadede muna ako!’” natatawang sabi ng actress-TV host.

NO ANNOUNCEMENT. Kamakailan lang ay nakapagbakasyon sina Marian at Dingdong sa Europe, kasama ang anak na si Zia.

Hindi ba sila nagkaroon ng pagkakataong makabuo at sundan na si Zia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kayo talaga!” bulalas ni Marian.

“Marami naman, pero siyempre pag may kasama kang bata, e, hindi naman iyon ang priority namin.

“Priority namin, e, kami as a family, tapos makita namin si Papa.”

Dinalaw nilang mag-anak ang ama ni Marian sa Spain.

Um-attend din sila sa kasal ng stylist na si Pam Quiñones sa Italy.

So, walang announcement na after two months ay buntis siya?

“Three months naman!” tawa ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN