Joel Cruz names third set of twins Prince Charles and Princess Charlotte

IMAGE Courtesy: Joel S. Cruz on Facebook

Naisilang na nitong Miyerkules ng gabi, May 24, ang ikatlong kambal na anak ng negosyanteng si Joel Cruz. Pinangalanan ng tinaguriang Lord of Scents ang kanyang mga bunso na Prince Charles at Princess Charlotte. 


Isinilang na ang pangatlong batch ng kambal na anak ng fragrance entrepreneur na si Joel Cruz sa Russia.

Isinilang ng parehong surrogate mother ng dalawang naunang kambal na anak ni Joel ang kanyang ikatlong kambal nitong Miyerkules ng gabi, May 24, sa Russia.

Ayon sa ulat ni Ahwel Paz ng dzMM, Prince Charles at Princess Charlotte ang ipinangalan ng negosyante sa bago nitong mga supling.

Katulad ng naunang dalawang kambal, sumailalim din ang parehong surrogate mother sa in vitro fertilization (IVF) para sa ikatlong set of twins.

2012 isinilang ang panganay na kambal, na pinangalanan ni Joel na Prince Sean at Princess Synne.



2015 naman nagsilang muli ang parehong surrogate mother ng kambal na lalaki, na pinangalanan ni Joel na Prince Harry at Prince Harvey.



Stories We Are Tracking

Joel Cruz to welcome third set of surrogate twins in Russia
Joel Cruz to welcome third set of surrogate twins in Russia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN