Daniel Matsunaga clears up rumors about his breakup with Erich Gonzales

IMAGE Noel Orsal

Daniel Matsunaga on ex-girlfriend Erich Gonzales: "I just really hope that she's happy with everything that's going on with her life. She seems happy and that's good. I'm really happy for her. I just want the best for her."


Nilinaw ni Daniel Matsunaga ang ilang isyu kaugnay ng breakup nila ng aktres na si Erich Gonzales.

Matatandaang nang pumutok ang balita tungkol sa paghihiwalay nila, madalas ay tikom ang bibig ni Daniel tuwing tinatanong ng media.

Ngunit nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang Brazilian-Japanese model-actor, sa 25th Star Magic anniversary sa ASAP, sa Araneta Coliseum, noong May 21, isa-isa niyang sinagot ang mga lumabas na isyu.

Una na rito ang usap-usapang may utang daw siyang ilang milyon kay Erich.  

Sabi ni Daniel, “Of course not. I work really hard.

“Since I was sixteen years old, I make my own money, I do all my rakets, everything in showbiz.

“Aside from showbiz, I have my own business.

“I don’t have to say to everybody what I have and what I don’t have. That’s my personal thing.

“I never said anything to anybody and I don’t think I have to.

“I make my own money, and that issue is already out of control.”

FRIENDS AND FAMILY. Nilinaw rin ni Daniel ang pagkakaugnay niya kay Department of Tourism Undersecretary Kat de Castro, na nadawit sa hiwalayan nila ni Erich.

"No, not at all, my God!" bulalas ni Daniel.

“Kat de Castro, she’s one of my best friends here.

"I really have kaunti lang ang mga kaibigan ko dito.

"Kat de Castro is also my manager’s best friend.

“Magkaibigan kami and she has nothing to do with that. Nothing at all.

“I don’t know where that came from.”

Noong kasagsagan ng balita tungkol sa breakup nina Daniel at Erich, isa sa mga nagtanggol sa Brapanese hunk mula sa mga isyu ay ang kanyang kapatid na si Vanessa Matsunaga.

Sabi ni Daniel tungkol dito, “My family is one of my protector, my family protects me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, at the end, I don’t know why, but their respect is always there.”

Ngunit nilinaw ni Daniel na hangga’t maaari ay ayaw na niyang ungkatin pa ang anumang nangyari sa kanila ni Erich.

Sabi niya, “That issue is already done. I don’t want things to go out of control again.

“I have a huge respect for Erich.

“I just want this issue to stop and I’ve moved on already.”

Bukas ba siya na maging kaibigan muli si Erich?

Sagot ni Daniel, “Oo naman. Ako, wala akong sama ng loob.

“Actually, I have a huge respect for Erich, for her family. I always did.

“From the bottom of my heart, I tried my best.

“Right now, oo naman, I’m really willing for us to be good friends.

“Kahapon nagkita kami dito, I said hi to her.

“Eventually, just give time… hindi usap-usap, pero hi, hello.”


Stories We Are Tracking

Erich confirms breakup with Daniel:
Erich confirms breakup with Daniel: "It's over."
Daniel on breakup with Erich:
Daniel on breakup with Erich: "It was never about money."
Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'
Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'

READY TO LOVE AGAIN? Ngayon ay nali-link si Daniel sa kanyang kasamahan sa I Can Do That na si Arci Munoz.

Pero paglilinaw ni Daniel, matalik na magkaibigan lamang sila ng aktres.

“Lahat kami sa I Can Do That, we’re actually one big family.

“Everytime na may taping kami o may rehearsal na nandun kaming lahat, we always try to go somewhere, have dinner or go out.

“Para masaya yung bonding and everything.”

Dagdag niya, “Siguro dahil sa mga acts namin dun, na sabi nila bagay, kasi maganda yung act.

“Single siya, single din ako, but talagang friends kami.”

Kung si Erich ay balitang may idini-date nang non-showbiz guy, si Daniel kaya ay handa na ring umibig muli?

Sagot niya, “I don’t look for anybody.

“I let God to give me the right one. I’ve been waiting for that.

“Right now, focus talaga ako sa work. Work muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kung mayroong isang babae in the future, God knows best.”

Mensahe naman ni Daniel para kay Erich, “I just hope that she’s happy.

“I just really hope that she’s happy with everything that’s going on with her life.

“She seems happy and that’s good.

“I’m really happy for her. I just want the best for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN