Renz Fernandez on how he courted Kris Bernal: "Parang alipin ang dating."

IMAGE Noel Orsal

Renz Fernandez on courting Kris Bernal in the past: "Grabe na nga ang effort ko. Sobra-sobra na nga, parang alipin ang dating. Yung ibang lalaki, sinasabi na masyado ko siyang inilalagay sa pedestal. Kaya raw naaabuso ako."


Tila walang suwerte sa pag-ibig ang Kapuso actor na si Renz Fernandez.

Kadalasan kasi ng babaeng nagugustuhan niya, kundi may ibang mahal ay hindi siya ang tipong lalaki.

Kagaya na lamang ng naudlot na panliligaw niya noon sa Kapuso actress na si Kris Bernal.

Ayon kay Renz, “Hindi nga ako type ni Kris Bernal.

“Kung type niya ako, napansin ko na yun sa body language niya.”

Wala na siyang planong i-pursue muli ang aktres?

“Kung gusto niya akong i-pursue siya ulit. Siya naman ang may sabi na ligawan ko siya.  

“Noong ligawan ko, wala naman,” sabi niya.

Baka naman nakulangan sa effort niya?

Diin ni Renz, “Grabe na nga ang effort ko. Sobra-sobra na nga, parang alipin ang dating. 

“Yung ibang lalaki, sinasabi na masyado ko siyang inilalagay sa pedestal. Kaya raw naaabuso ako.”

Paano yung sobra-sobrang effort niya ng panliligaw?

“Well, every day, may regalo ako. Naging gentleman ako, sobra.

“Pero ngayon naman, happy naman ako na single ako."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon ng My Love From The Star noong May 19.

HAPPY FOR MAXENE. Mayroon din daw siyang natipuhang non-showbiz girl, pero ayon kay Renz, “Minahal ko lang, pero hindi naging kami.”

Siya lang ang nagmahal?

“In love pa pala siya sa ex niya!” natawang sabi ng bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Dagdag niya, “Na-hurt ako. Pero mga two weeks lang ang nakalipas, mas malakas na ang puso ko.

“Tapos, marami rin girls diyan na mababait, inaalagaan nila ako.”

Pero mga kaibigan lang daw niya ang mga ito.

Inamin naman ni Renz na ang huling official girlfriend niya ay si Maxene Magalona.

Masaya raw siya para kay Maxene, na engaged na ngayon sa modelong si Robby Mananquil.

“Happy ako for her siyempre,” sambit ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nararamdaman ba ni Renz na may kulang sa buhay niya dahil wala siyang girlfriend o special someone?

Tugon niya, “Hindi, dapat okey lang na mag-isa lang.

“Pero kapag dumating yun, bonus yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN