Comedian Ogie Diaz slams Duterte critics Jim Paredes, Leah Navarro, and Cynthia Patag

IMAGE Noel Orsal

Tinawag ni Ogie Diaz ang pansin nina Jim Paredes, Leah Navarro, at Cynthia Patag dahil sa walang-sawang pagbatikos ng mga ito sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kilala ang tatlong batikang singers na tagasuporta ni dating Pangulong Noynoy Aquino.


Pinasaringan ng komedyante, talent manager, at radio host na si Ogie Diaz ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Jim Paredes, Leah Navarro, at Cynthia Patag.

Ayon kay Ogie, "wala nang makitang maganda" ang tatlong batikang singers sa administrasyon ni Duterte.

Kilala sina Jim, Leah, at Cynthia na masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nang magdeklara ng martial law si Pangulong Duterte sa Mindanao, dahil sa paghahasik ng kaguluhan ng Maute terrorist group sa Marawi City, muling binatikos ng tatlong Duterte critics ang Pangulo sa pamamagitan ng social media:


OGIE SPEAKS UP. Sa kanyang Facebook post ngayong araw, May 25, tila hindi na nakapagpigil si Ogie at pinuna ang pambabatikos nina Jim, Leah, at Cynthia sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa talent manager ni Liza Soberano, “Sorry, ha? Pero wala nang makitang maganda sina Jim Paredes, Cynthia Patag at Leah Navarro sa ginagawa ng gobyerno.

"Kanya-kanya sila ng opinyon na kumakalaban sa gobyerno.

"Ire-repost 'yung mga post ng mga anti-duterte with matching sariling opinyon, baka sakaling makumbinsi ang taumbayan.

"Okay lang 'yon. Ang masaklap: iaangat n'yo naman ang dating administrasyong Aquino at tila yata bulag din kayo sa mga kapalpakan ng gobyerno ni PNoy.

"Asan ang fairness doon?

"Pwede nilang sabihing wala akong pakialam sa opinyon o stand nila. So 'yun din naman ang gusto kong sabihin ngayon sa kanila."

Dagdag pa ng komedyante, mas marami raw kapalpakang nangyari noong panahon ni PNoy.

Sabi ni Ogie, “Opinyon ko 'to. Paninindigan ko 'to.

"Kaya eto lang ang gusto kong sabihin....

"'Wag n'yo nang ikumpara 'yung ganda ng nakaraang administrasyong Aquino. Sooobraang daming palpak at katiwalian din, hindi n'yo lang maamin sa sarili n'yo.

"Kung me corruption man ngayon, o kapalpakan sa mga desisyon, eh mas mataas pa din ang bilang ng kanegahan sa rehimen ni PNoy. Yan ay kung para tayong mga batang nagyayabangan, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eh, sa totoo lang, ang daming alam ng ibang tao tungkol sa pamamalakad ng gobyerno, tungkol sa martial law, tungkol sa kung paano dapat gawin ang kapayapaan sa bansa at kung anik-anik pa."

Pinayuhan pa niya ang tatlo na maghanda para tumakbo sa 2022 dahil marami naman daw pala silang alam tungkol sa pamamalakad ng gobyerno.

"Eh, gano'n naman pala, di sana, tumakbo kayo sa pagkapangulo nu'ng 2016 o kaya paghandaan n'yo na sa 2022 kasi andami n'yong alam, eh.

"Kalokah! Ba't di na lang ganito ang gawin nina Jim, Cynthia at Leah at sa iba pang mga kumokontra:

"Magdasal. Ipagdasal ang bansa. Ipagdasal ang mga inosenteng nadadamay sa engkwentro sa Marawi City, ipagdasal na sana'y matapos na 'to. At isingit n'yo na rin sa inyong taimtim at sinserong dasal na sana ay gabayan ng Panginoon ang Pangulo sa bawat desisyong kanyang gagawin.

"Kahit hindi n'yo pa i-post sa social media accounts n'yo.

"Pero kung ayaw n'yo talaga kay Duterte, eh kahit anong ganda ang gawin nyan sa bansa, hahanapan at hahanapan pa rin naman siya ng butas.

"Samantalang ang mga 'sariling butas' ay nasa tungki na ng mga ilong n'yo, hindi n'yo pa rin makita at maramdaman."

SHOWBIZ FRIENDS SUPPORT OGIE. Sa comments section, nakiayon naman kay Ogie ang ilang mga artista at direktor:




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN