Joshua Garcia declares Julia Barretto his queen: "Dapat trinatrato siya ng ganun."

IMAGE Noel Orsal

As far as Julia Barretto is concerned, Joshua Garcia is taking it step by step. "Wala pa ring kami. Kailangan mo munang paghirapan yun. Kailangan ko munang ligawan si Julia," he says.

 


Kinilig ang JoshLia fans sa larawan nina Joshua Garcia at Julia Barretto na magkayakap.

Ang aktor ang nag-post ng litrato kamakailan, na nilagyan niya ng caption na “My Queen.”

My Queen

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

Ano na ba ang estado ng relasyon nila ni Julia?

Tugon ni Joshua, “Kaya My Queen ang tawag ko sa kanya, gusto kong itrato siya ng ganun.

“Dapat trinatrato siya ng ganun. Kami?

“Ganun pa rin naman, mas open na kami ngayon sa isa’t-isa.

“Mas nagkakasabihan na talaga ng problema.

“Ibang-iba kaysa dati… pero wala pa ring kami.

“Siyempre kailangan mo munang paghirapan yun.

“Kailangan ko munang ligawan si Julia.”

Masayang ibinalita rin ni Joshua na may sisimulan silang pelikula ni Julia matapos ang tagumpay ng Kath, Vince and James.

Aniya, “Malapit na kaming mag-start, kaming dalawa pa lang yung na-cast nung movie.

“Pero may mga magulang kami dun,may mga friends kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang actor sa nakaraang 25th Star Magic anniversary sa ASAP na ginanap sa Araneta Coliseum nung Linggo, May 21.

Kasama rin si Joshua sa upcoming Kapamilya serye na Kung Kailangan Mo Ako kung saan love triangle sila nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Pero hindi pa sinisimulan itong bago niyang proyekto, heto’t inuulan na si Josh nang katakut-takot na pamba-bash mula sa mga JoshLia at Elnella fans.

Depensa niya, “Nagtatrabaho lang naman ako, e.

“Sa akin, magagalit lang naman ang mga bashers at mga fans kapag nakisabay dun ako sa dalawa.

“Ako magtratrabaho lang naman ako pero ngayon may update ako.

“Dreamscape na lang maglalabas nun kasi may mga nabago, abangan na lang natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN