Frankie Pangilinan to basher: "Hunny, you think I care?"

IMAGE Instagram @frankiepangilinan

Frankie Pangilinan on dealing with bashers: "When it comes to cyberbullies, I just ignore. That's my patol."


Hindi nagpatinag si Frankie Pangilinan sa natanggap niyang pambabatikos mula sa isang hindi pinangalanang basher.

Sa kanyang Twitter post noong May 24, sabi ni Frankie: “I got my first negative Instagram comment and I'm living for it ???????????? HUNNY U THINK I CARE AHAHAHAHHA”

Hindi na rin binanggit ni Frankie kung ano ang negatibong komentong natanggap niya. 

Si Frankie, o Simone Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan, ay ang panganay na anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa YES! Magazine May 2017 issue, nabanggit ng 16-year-old aspiring singer na kamakailan lang niya binuksan sa publiko ang kanyang Instagram account.

Aminadong naninibago pa raw siya na mas dumarami na ang kanyang Instagram followers.

At para sa kanyang bashers, “When it comes to cyberbullies, I just ignore. That’s my patol.”

Dugtong ni Frankie, base pa rin sa panayam ng YES!, “For me, it’s more of, if hindi kita kilala, if you’re not my friend, if you’re not important in my life then why should I listen to you, di ba?”

Noong August 20, 2016, nagsimulang sumabak sa showbiz si Frankie sa kanyang guest appearance sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Kinanta niya ang “Mr. DJ,” isa sa hit songs ni Sharon na orihinal na komposisyon ni Rey Valera.

Tulad ng kanyang ina, hilig din ni Frankie ang musika, partikular na ang paggawa ng sariling kanta at pagtugtog ng gitara.

Ang kanyang first original composition na “Battlescars” ay bahagi ng prinodyus niyang six-song extended play (EP) sa SoundCloud, isang music and podcast streaming online platform.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN