Jodi Sta. Maria, Iwa Moto earn kudos from netizens

IMAGE Instagram (@iam_iwa)

Jodi Sta. Maria and Iwa Moto win the heats of netizens for showing what matters most to them--their kids. Iwa is in a relationship with Pampi Lacson, Jodi's estranged husband. 


Maganda ang pahiwatig nina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto sa pagpapakita ng larawan na magkasama sila at ang kani-kaniyang anak.

Magkarelasyon ngayon sina Iwa at Pampi Lacson, ang estranged husband ni Jodi at anak ni Senator Panfilo Lacson.

Ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 at inanunsiyo ang paghihiwalay noong 2011. 

Mayroong silang anak, si Thirdy, 11 anyos.

May anak rin sina Iwa at Pampi, ang three-year-old na si Mimi.

Karelasyon naman ngayon ni Jodi ang actor-politician na si Jolo Revilla, kasalukuyang vice-governor ng Cavite.

Ipinost nina Jodi at Iwa ang nasabing larawan sa kani-kanilang Instagram account kanina, May 26.

BONDING PHOTO. Unang ipinost ni Iwa ang larawan at ni-repost naman ni Jodi.

Dinaluhan ng dalawang celebrity moms ang basketball game ni Thirdy sa kanyang eskwelahan.

Masaya naman ang dalawa na naipanalo ng team ni Thirdy ang laban.

Kuya muy's cheering squad. Hihi. Congrats to his entire team for winning the game today.

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa) on

Sa larawan, nakakandong ang anak ni Jodi kay Iwa.

Nakakandong naman ang anak ni Iwa kay Jodi.

Kalakip ng caption ni Jodi ay ang Bible verse na 1 Corinthians 13:4-8, na tungkol sa pag-ibig.

Sa kabila ng kanilang unconventional family setup, napanatili nina Jodi at Iwa ang magandang samahan para sa kapakanan ng kanilang mga anak, na half-siblings.

Bunsod nito, bumuhos ang papuri para kina Jodi at Iwa sa comments section ng kanilang mga post.



Noong December 2016, magkakasama sina Jodi, Iwa, at Pampi at kanilang mga anak nang ipagdiwang ni Thirdy ang kanyang 11th birthday.

Nitong January 2017 naman nang i-babysit ni Jodi ang anak nina Iwa at Pampi. 


Stories We Are Tracking

Jodi Sta. Maria bonds with son, ex-husband Pampi Lacson, Iwa
Jodi Sta. Maria bonds with son, ex-husband Pampi Lacson, Iwa
Jodi spends weekend with Pampi and Iwa's daughter
Jodi spends weekend with Pampi and Iwa's daughter

  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN