Sylvia Sanchez still grieving the loss of her late manager Tita Angge

IMAGE Noel Orsal

For Sylvia Sanchez, there seems to be no getting over losing her  late manager, Cornelia 'Angge' Lee, forever. She consoles herself with the thought that .


Masakit para kay Sylvia Sanchez na ngayong dumadami ang kanyang blessings, hindi naman niya na maii-share ito sa itinuturing niyang pangalawang ina, ang kanyang manager na si Cornelia Lee, o mas kilala bilang Tita Angge. 

"Ano ko yun, angel ko sa langit yun," pahayag ng 46-year-old Kapamilya star.

“Yung bed-ridden siya hangga’t nung huling araw niya, ang tanging sinasabi ko sa kanya, ‘Tita Angge, huwag mo ako pababayaan dito… Ipagdasal mo [ako].

"'Ikaw na yung nasa Diyos, ikaw na yung nandiyan, so ibulong mo ako 'lagi dun, pati pamilya ko, pati mga anak niya na naiwan, ibulong mo kami lahat.'"

Namayapa si Angge nito lamang March 2, 2017. Ito ay matapos ang isang taong pagkaratay sa ospital dahil sa massive heart attack noong March 5, 2016.

Gayunpaman, ipinagpasalamat ni Sylvia na pumanaw man ang beteranang talent manager ay patuloy pa rin daw nitong ginagabayan ang kanyang buhay.

Katulad na lamang ng pagkakaroon niya ng kauna-unahang endorsement sa mahabang panahong inilagi niya sa showbiz.

Bukod pa ito sa acting awards na natanggap niya para sa teleseryeng The Greatest Love ng ABS-CBN.

Patuloy ni Sylvia tungkol sa namayapang talent manager, “Sabi ko, kung magiging successful ako dito, bitbit ko mga anak niya, e.

"Never kong pababayaan si Peng at si Imelda, pangako ko sa kanya yun.

"Usapan naming dalawa yun, na kung sinong mauna, hindi iiwanan yung pamilya.

“Si Tita Angge ang malakas kong angel sa langit.”

Noong May 19, nagdaos si Sylvia ng kanyang ika-46 kaarawan at inihayag niya sa Instagram ang labis na pangungulila sa namayapang talent manager.

REMEMBERING TITA ANGGE. Aminado si Sylvia na ibang-iba na ang kanyang buhay ngayong wala na ang taong namamahala sa kanyang showbiz career.

“Kasi ito yun, e, ito yung pangarap niya sa akin 'tapos biglang wala na siya, hindi niya na naabutan.

"Malungkot, di ba? Minsan, noong birthday ko, napaiyak nga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko napigilan dahil ang daming bumati, pero meron akong hinihintay na bati.

“Naging kulang, kasi siya yung unang-unang taong tatawag sa akin at 7 a.m. Kahit tulog pa ako, ipapagising niya ako."

Patuloy na balik-tanaw ng The Greatest Love star, “Sabay—alam mo naman si Tita Angge mahilig magmura.

"Mumurahin lang niya ako, ‘Hoy, happy birthday. Tayo ka na. Gising ka na.’

“Yun yung every birthday ko, every year, siya yung unang-unang babati sa akin.

"'Tapos ngayon biglang wala na. Hindi ko lang mapigilang umiyak.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa launching ng kanyang iniendorsong produkto na BEAUTeDERM ngayong Biyernes, May 26, sa Cities 30 Events Place sa Quezon City.


OVERCOMING HER DEPRESSION AND INSECURITY. Noong nalaman ni Sylvia na may kumpanyang interesadong kunin ang kanyang serbisyo bilang endorser, ipinagpasalamat daw niya agad ito sa Diyos.

Aniya, “Speechless at puno ng pasasalamat ang naririnig ko sa puso ko at sa buong pagkatao ko.”

Matamis daw ang tagumpay ng kanyang karera ngayon dahil naranasan din niya ang depression at insecurity sa ilang yugto ng halos apat na dekada niya sa showbiz.

Ito raw yung mga pagkakataong wala siyang ginagawang anumang proyekto.

Taong 2008, nabalot daw nang kalungkutan ang buhay ng aktres.

Kuwento ni Sylvia, “Nasabi ko noon na, ‘Hindi ba ako marunong umarte? Hindi ba ako magaling para hindi ako kukunin?’

“May ganun na to the point na kinukulit ko si Tita Angge. Dumating yun isang beses...

"Pero sabi ko nga, ayoko kasi ng negatibo, e. Hangga’t maari, kapag may dumating sa aking negatibo, bina-block ko yun.

“So, ang ginawa ko, nag-aral ako. Nag-culinary ako para ma-entertain ko yung sarili ko kasi nararamdaman ko na nagkakaroon ako ng insecurity

“Tapos, kung anu-ano na pumapasok sa isip ko. Ayoko nun.”

Pero mabait daw talaga ang Panginoon dahil dalawang buwan matapos siyang mag-enrol sa isang culinary school sa Pasig, inalok naman siyang magbalik-telebisyon sa pamamagitan ng ABS-CBN afternoon teleserye na Eva Fonda noong 2008. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, may nakatakda na daw siyang gawing bagong teleserye at pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN