Cynthia Patag impassive to Ogie Diaz's tirades: "Oh well."

IMAGE Facebook" Cynthia Patag / Noel Orsal

Cynthia Patag seems unruffled by the tirades Ogie Diaz let loose against her and fellow singers Jim Paredes and Leah Navarro. From her reaction, it appears she does not even know the radio host and talent manager. 


Nakarating na kay Cynthia Patag ang pagpuna at pasaring ng talent manager, radio host, at comedian na si Ogie Diaz laban sa kanila nina Jim Paredes at Leah Navarro.

Sina Cynthia, Jim, at Leah ay kilalang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook, may nag-comment na follower si Cynthia kung saan sinabi nitong, “Naku dinale kaung 3 nila jim paredes at leah navarro ni ogie diaz.”

Sagot ni Cynthia: “Ogie who?”


 

Ipinadala naman ng nasabing commenter ang screenshots ng sinabi ng komedyante.


Matapos ipadala sa kanya ang screenshots, mukhang deadma lang ang singer-comedienne kay Ogie.

Sabi lang ni Cynthia: “Oh, well.”


Ayon sa mahabang Facebook post ni Ogie kahapon, May 25, "wala nang makitang maganda" ang tatlong batikang singers sa administrasyon ni Duterte.

Dagdag pa ni Ogie, "Wag n'yo nang ikumpara 'yung ganda ng nakaraang administrasyong Aquino. Sooobraang daming palpak at katiwalian din, hindi n'yo lang maamin sa sarili n'yo.

"Kung me corruption man ngayon, o kapalpakan sa mga desisyon, eh mas mataas pa din ang bilang ng kanegahan sa rehimen ni PNoy. Yan ay kung para tayong mga batang nagyayabangan, ha?”

Wala pang reaksiyo sina Jim at Leah sa sinabi ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN