Did Joel Cruz violate the Bible by having twins via in vitro fertilization?

IMAGE Facebook

Joel Cruz about having twins via in vitro fertilization: "Para sa akin, kahit siguro may mali akong ginawa against sa Bibliya, hindi ako nakukonsensiya dahil itong ginagawa ko, ipinagdasal ko. At alam kong sinagot ako ng Panginoon dito, at Siya ang nagbigay sa akin ng mga anak ko, kaya hindi ako nagi-guilty."


Isinilang na ang pangatlong kambal ni Joel Cruz mula sa surrogate mother nito sa Russia, noong May 24 ng gabi (Philippine time).

Kuwento ng tinaguriang Lord of Scents sa PEP, lumipad siya ng Russia noong May 12 dahil ang sabi sa kanya ng contact person niya roon ay naka-schedule nang magsilang ang surrogate mother sa May 10.

Pero medyo matatagalan pa raw kaya bumalik siya ng Pilipinas noong May 20.

Pagkalipas ng apat na araw, saka isinilang ang pangatlo niyang kambal.

Isang babae at isang lalaki ang pangatlong kambal ni Joel, na pinangalanan niyang Prince Charles at Princess Charlotte.

IN VITRO FERTILIZATION. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joel noong Huwebes ng gabi, May 25, inilahad niya ang proseso ng pagkakaroon ng anak sa paraang in vitro fertilization.

Aniya, ang unang set ng kambal niya ay ipinagbuntis ng surrogate mother na nangngangalang Lilia mula sa kanyang punla.

Ang pangalawa at pangatlong kambal ni Joel ay ibang surrogate mother na ang nagdala, dahil ayaw na raw magbuntis ni Lilia.

Pero ang egg cells pa rin ni Lilia ang ginamit, kaya buong magkakapatid pa rin ang tatlong kambal ng negosyante.

Ayon kay Joel, hindi ganun kadali ang proseso dahil ilang beses hindi natuloy ang pagbubuntis, at gumstos lang siya.

STILL NOT ACCEPTED? Sinagot naman ni Joel ang sinasabi ng iba na hindi pa tanggap ng simbahan ang pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Saad niya, “There was a time na nag-comment si Bishop [Oscar] Cruz, sabi niya, sa Bible daw, hindi tanggap yung ganung proseso.

“Ako kasi, I’m 100 percent Roman Catholic, sobrang relihiyoso ako.

“Ako naman, gusto ko naman talaga magkaroon ng anak na ibinigay naman.

“I believe na ibinigay sa akin ito ng Diyos, ang anak na ‘to.”

Medyo nalilito lang daw siya kung ano ang tama dahil marami siyang nakakausap na mga pari at sinasabing ipagdadasal siyang matuloy ang pagkakaroon niya ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang daming pari na kaibigan ko na nagbibigay sa akin ng prayers.

“Siguro kung sa Bibliya, dun ako nagkaroon ng kasalanan dahil hindi ko sinunod yung Bibliya.

“Pero yung mga alagad ng simbahan, like yung mga pari, they offered a prayer for me.

“Kaya medyo naguguluhan din ako dahil, kung yun pala ang alam ng mga pari, sana hindi nila ako ipinagdasal. Sinabihan nila ako na mali ‘yan.”

Patuloy ni Joel, “Siguro naniniwala sila sa paniniwala ko na…

“Kasi ako, bilang tao, nai-enjoy ko yung buhay ko dito sa mundo.

“Kaya nga nilikha tayo ng Diyos na may purpose tayo dito sa mundo, tumutulong tayo sa kapwa natin, hindi tayo gumagawa ng masama.

“Kung ganun yung purpose sa anak ko rin, palalakihin ko rin sila nang ganun, mabuti yun sa mata ng Diyos, para sa akin.

“Kaya sa paraan na pagkagawa ng bata ay mali, pero habang nabubuhay sila dito sa mundong nilikha ng Panginoon, unang-una, kailangan they have to live a Catholic lifestyle na maka-Diyos sila. Huwag gumawa ng kasalanan sa kapwa.

“Sabi ko nga, yung hanapbuhay ko na kumikita, makakatulong din ito sa mga less fortunate, especially sa mga bata at matanda, na yun ang advocacy ko na gusto ko ituloy ng mga anak ko.

“Para sa akin, kahit siguro may mali akong ginawa against sa Bibliya, pero hindi ako nakukonsensiya dahil itong ginagawa ko, ipinagdasal ko.

“At alam kong sinagot ako ng Panginoon dito, at Siya ang nagbigay sa akin ng mga anak ko, kaya hindi ako nagi-guilty.

“At the same time, they will live dito sa mundong na tutulong din sa kapwa Filipinos.”

TWINS. Ipinaliwanag din ni Joel kung bakit laging kambal ang naging anak niya.

“Kasi kung maganda yung reproductive system ng surrogate mother, tatlong fertilized embryo ang inilalagay sa kanya.

“Pag sinuwerte ka mabuo yung tatlo, meron kang triplets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang triplets naman, very slim ang chance, e.

“Siguro mga 5 percent lang, e, ganun lang ang chance na mabuo yung tatlo.

“Yung twins naman siguro, baka mga 15 percent to 20 percent lang, ganun.

“Yung isa naman, siguro mga 50 percent.

“Pero may chances naman na yung tatlo na yun na hindi nabubuo.

“Nangyari rin sa akin yung ganun, may cases na wala.

“Yung first set of twins kasi, second attempt, nabuo siya.

“Yung second set naman, parehong boys naman, third attempt bago nabuo.”

Posible raw na kaya laging kambal ang nailuluwal ng surrogate mother ay dahil namana ito sa pamilya ni Joel.

Ang isang tiyuhin daw niya ay mayroong triplets.

EXPENSIVE. Aminado si Joel na malaki ang nagagastos niya para sa in vitro fertilization.

Pero gusto raw kasi talaga niyang magkaroon ng maraming anak.

Hindi raw biro ang nagagastos dito dahil kahit hindi nakabuo, may babayaran ka pa rin.

Magkano ba ang nagagastos sa isang proseso ng in vitro fertilization, at ang pagkuha ng surrogate mother na magdadala nito?

Ayon kay Joel, “Sa akin, kung isasama ko pati pamasahe ko, umabot kami ng 12 million pesos.

“Pati na dun yung airfare, yung hotel ko.

“Ang interpreter namin dun, per hour. Lawyer, per hour.

“Yung maag-ayos ng documents dun, Russian passport nila, yung birth certificate, Ministry of Foreign Affiars, sa justice...”   

Ang contact niyang law firm doon ang nag-aayos ng lahat, pati ang bayad sa surrogate mother.

MADE IN RUSSIA. Tinanong din ng PEP kung bakit sa Russia niya piniling magkaroon ng kambal.

Tugon ng perfume entrepreneur, “Sa Russia kasi, legal yung single parent, unlike sa ibang countries, gusto nila married yung couple.

“Gusto nila tulungan yung mga couples na hindi talaga nagkakaanak.

“Pero sa Russia, kahti gay ka, single mother o single father, puwede sa kanila kung gusto mo talaga magkaanak.”

Sa June 24 ay susunduin na ni Joel ang huling kambal niya, at baka isasama raw niya ang surrogate mother ng mga ito na si Lilia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN