Sylvia Sanchez willing to pose for FHM if...

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez says she would willingly pose for FHM Philippines on one condition: "Pag siguro naging 19 [inches] ulit ang bewang ko. Pag na-reach ko yung 19, why not? Pero hangga't 28 ang bewang ko, huwag na."


Papayag daw si Sylvia Sanchez na mag-pose nang sexy at maging cover girl ng FHM Philippines sa isang kundisyon.

“Pag siguro naging 19 [inches] ulit ang bewang ko,” natatawang sabi ng 46 anyos na aktres.

“Pag na-reach ko yung 19, why not?

“Pero hangga’t 28 ang bewang ko, huwag na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa presscon at launching niya bilang brand ambassador ng Beautederm Soap na ginanap nitong nakaraang Biyernes, May 26, sa Cities Events Place sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Nakasama niya sa event ang Beautederm CEO na si Rhea Tan.

Kung sakali ay hindi naman si Sylvia ang unang nanay na magiging FHM cover girl.

HESITANT. Ilan sa mga tinaguriang Hot Mommas na malapit sa edad ni Sylvia na pumayag mag-pose nang sexy para sa FHM ay sina Eula Valdez, Jean Garcia, Pops Fernandez, Dina Bonnevie, Patricia Javier, at Ina Raymundo.

Noong una nga ay talagang matindi ang pagtanggi ni Sylvia sa tanong namin kung sakaling kunin nga siya ng FHM.

“Huwag na yun,” sambit niya.

“Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

“Huwag iyon kasi hindi ko kaya iyon, ang taba ko. Huwag naman.”

Parang hindi rin daw ito matatanggap ng apat niyang mga anak lalo na sina Arjo at Ria Atayde, na gaya niya ay ang mga artista rin.

“Pero pag mag-FHM ako… huwag na, ang lalaki na ng mga anak ko. Ikakahiya ako ng mga iyon,” natatawang lahad niya.

Sigurado ba siyang ikakahiya siya ng mga ito o baka maging proud pa?

Dagdag niya, “Mapa-proud sila dahil, ‘Yung mommy namin, ang sexy.!

“Pero parang kakantiyawan nila ako nang kakantiyawan.

“Isa lang ang sasabihin nila sa akin, ‘Nag-FHM ka pa, ang taba-taba mo!’”

Maganda ang katawan ni Sylvia noong magsimula siya ng showbiz career niya bilang isang sexy actress.

Hanggang sa nakilala na siya bilang magaling na artista. Nadagdagan ang kanyang timbang matapos siyang magkaanak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING OUT TO BE SEXY. Napunta ang usapang tungkol sa FHM cover dahil sa question and answer portion ng presscon ay inusisa si Sylvia tungkol sa Instagram post niya habang nagwu-workout.

Kasama nito ang caption na: “Getting ready and excited for something big, this Friday Watch out!! Thank you for helping me lose weight@coachjonnelcruz #Blessing# thankuLORD”

Ayon kay Sylvia, pinaghandaan niya talaga ang launching niya para sa kauna-unahan niyang product endorsement sa loob ng 27 years ng kanyang showbiz career.

Pag-amin niya, “Kailangan kasi.

“Hindi lang kasi mukha yung kailangang makita ng mga tao, bilang ikaw yung bagong mukha ng Beautederm.

“Kailangan susunod din yung katawan. Kasi aminin natin, ang laki ko.

“Pero lumiit na po ako kasi nagdyi-gym na po ako araw-araw.

“Di ba pag fit ka talaga, pag naggi-gym ka, pati yung skin mo medyo nagiging fresh, nagiging bata?”

Dahil nga tila ine-effort niya ang pagpapaganda ulit ng katawan, willing din ba siyang i-flaunt ang kanyang skin at magpa-sexy?

Aniya, “Sure, why not? You know, pag artista ka, kailangan.

“At least may karapatan.

“Kasi, sabi ko nga, lahat ng roles na ginagampanan ko ngayon, 50, 55 [ang edad], so ang tingin nila sa akin sa screen, matanda na.

“Actually, natutuwa talaga ako na nawi-witness lahat ng mga kaibigan ko, ng pamilya ko, meron pa nga minsan, ‘Si Sylvia ba iyan? Batang-bata,’ parang ganun, hindi porke’t nanay siya.”

BIKINI BOD? So, hindi ba imposibleng makita ulit siyang naka-swimsuit o naka-two piece sa isang pictorial?

Pakiusap niya, “Huwag namang two-piece.

“One-piece, puwede naman yun.

“Ako naman prangka naman ako, wala naman tayong itinatago.

“Ilan na ang anak ko, meron tayong stretch marks.

“Pero kung skin, mukha, okay naman ako diyan.

“Kasi ayokong mag-two piece, tapos dadayain. Ayoko nun.

“Ipakita natin yung natural.

“Kaya nga nung tinanggap ko itong endorsement na ito, gusto kong ipakita yung totoong ako, ayokong dayain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ganun din pag nag-one-piece ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN