Former tennis champ Martina Navratilova, local government officials react to Duterte's rape joke

IMAGE Photo grabbed from RTVM

Even Aiza Seguerra, a solid supporter of President Rodrigo Duterte, appeals to the President to refrain from making any joke about rape.


Isa na namang kilalang international personality ang bumatikos kay Philippine President Rodrigo Duterte dahil sa panibago nitong rape joke.

Ginawa ni Duterte ang kanyang biro sa kanyang speech sa harap ng mga sundalo sa Iligan City noong Biyernes, May 26.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo na aakuin niya ang responsibilidad ng pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao, bunsod ng pag-atake ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Sinabi pa ni Duterte sa mga sundalo na sagot niya ang mga ito, at kapag “nagkapag-rape ka ng tatlo, aaminin ko na akin 'yon."

Umabot sa international media ang birong iyon ng Pangulo ng Pilipinas, at ilang kilalang personalidad ang nag-react dito.

Kabilang na rito ang former international tennis champion na si Martina Navratilova.

Sa kanyang Twitter post, tinawag ni Navratilova si Duterte na “sick f*ck.”

Nauna nang binatikos ni Chelsea Clinton si Duterte.

Tinawag ng anak ni dating US President Bill Clinton ang Philippine president na “murderous thug” dahil sa pagbibiro nito tungkol sa rape.

[ArticleReco:{"articles":[news_67109]

PALACE DEFENDS DUTERTE. Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang Pangulo.

Sinabi nitong ang speech ni Duterte ay dala lamang ng paniniyak niyang mareresolbahan ang kaguluhan at maibabalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi.

"PRRD [Duterte] is decisively acting, speaking with heightened bravado, that law and order would be brought back in these areas of rebellion in the soonest time possible and that normalcy would likewise be restored with minimal loss of lives," pahayag ni Abella sa ulat ng GMA News Online.

Dagdag pa spokesperson tungkol sa joke ni Duterte, “He gave his full support to the men and women in uniform, taking complete responsibility for their actions, even exaggeratedly describing crimes like taking a fourth wife.”

GOV'T OFFICIALS REACT: Samantala, may mga lokal na opisyal ding nag-react sa rape joke ni Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang dito ang solid Duterte supporter na si Aiza Seguerra, chairman ng National Youth Commission; at sina Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.

Sa tweet ni Hontiveros, sinabi nitong hindi nakakatawa ang anumang biro tungkol sa rape.

Saad naman ni Pangilinan, "Even as a joke it is unacceptable for anyone to joke about rape, more so coming from the commander in chief. He should apologize for the offensive remark."

Pero iba naman ang tingin ni Senator Tito Sotto rito.

"Joke nga eh bakit seseryosohin?" text message umano ng senador at TV host, ayon sa ulat ng GMA News Online.

Noong kampanya para sa May 2016 elections, nagbiro rin si Duterte tungkol kay Jacqueline Hamill, isang Australian missionary na na-rape at namatay sa ginawang hostage-taking sa Davao noong 1989.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN