Jim Paredes blames trolls for fake news about him badmouthing Mindanaoans

IMAGE Photos from Facebook

Director Manny Castañeda (right) on fake news about singer Jim Paredes (left): "Initially people believed the post was from Jim because it was something I felt Jim Paredes was capable of saying. In short, fake or not… the statement, to my mind, is very Jim Paredes."


Nagbabala ang veteran singer na si Jim Paredes hinggil sa pagkalat ng fake accounts matapos siyang mabiktima nito.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ng dating miyembro ng APO Hiking Society ang screen grab ng isang online news article, kung saan sinabi umano niyang “taga-bundok” ang mga taga-Mindanao.

Ayon kay Jim, ang fake news na ito ay pakana ng trolls dahil alam daw ng mga itong natatalo na sila sa labanan ng katotohanan, kaya desperado na ang mga ito.

“My FB account has close to 4K friends. Don’t be fooled by fake sites. Trolls know they are losing the war on truth so they are desperate.”

Depensa pa ni Jim, hindi niya kailanman tinawag na "taong bundok" ang mga taga-Mindanao dahil mismong ang kanyang ina ay mula roon.

Si Jim Paredes ay kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

MANNY CASTAÑEDA. Samantala, nag-post naman sa Facebook ang direktor na si Manny Castañeda, na tila kinagat ang fake news tungkol kay Jim.

Sa kanyang Facebook post ngayong Linggo, May 28, tinawag ni Manny na “mentally ill” si Jim.

Patutsada pa ni Manny tungkol kay Jim: “I know many Yellowtards find him pathetic and recently would not want to associate themselves with him. And let’s face it, Jim Paredes has become a big joke, a lot funnier than Mocha Unson if I may say so myself.”

Ngunit pagkatapos ng dalawang oras, muling nag-post si Direk Manny dahil napagtanto niyang fake news ang tungkol sa pagtawag ni Jim sa mga taga-Mindanao na "taong bundok."

Subalit sa tono ng kanyang mensahe, sinabi ni Direk Manny na marami pa rin ang naniwala sa fake news na ito dahil "it was something I felt Jim Paredes was capable of saying.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN