Glaiza de Castro in no hurry to find her Mr. Right

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Catro on short-lived romance with Benjamin Alves: "Siguro manghihinayang ka kapag may pinagsamahan na kayo nang sobrang lalim. Dun, ako, masasabi ko talaga na manghihinayang ako. Pero sa ngayon talaga, wala pa."


Marami ang nagtatanong kay Glaiza de Castro, 29, kung hindi ba siya naiinip na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang boyfriend.

Ilang taon na rin siyang single sa kabila ng mayroon din namang nali-link sa kanyang mga aktor.

Ang pinakahuli nga rito ay si Benjamin Alves, na rumored boyfriend ngayon ng kapwa Kapuso star na si Julie Anne San Jose.

Paliwanag ni Glaiza, “Siguro kapag...like, nung pumunta kami sa baby shower [ni Kylie Padilla], nakita ko kung gaano siya ka-happy, ka-content.

“Parang, 'Ow, ang saya namang magkapamilya.'

“Pero feeling ko, para sa akin, sa ngayon ay hindi pa time dahil meron pa akong kailangang i-fulfill na dreams. Naks!

“Siguro rin, gusto ko na kapag dumating yung taong yun, ready na ako.

“Ready naman ako anytime, pero baka yung magiging partner ko lang ang hindi ready," pagbibiro pa niya.

Ilan na ba ang pinalampas niyang pagkakataong mahanap si Mr. Right?

Giit ng Kapuso actress-singer, “Wala, wala naman akong pinapalampas na mga pagkakataon.

“Siyempre ako, kahit paano ay natututo ako sa mga experience.

“Ang dami na ngang nagdududa.”

Sa kanyang kasarian ang ibig niyang sabihin dito.

Dahil totoo naman na nitong mga nakaraang taon, may nagtatanong kung siya ba ay miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community, porke't matagal na ngang zero ang kanyang buhay pag-ibig.

Paano niya hinarap ang mga pasaring na ito?

Ayon kay Glaiza, “Siguro dahil malakas naman yung foundation ko, maano... matatag naman kaming family.

“Alam ko naman na boyish ako, pero...

“Noon pa, sinasabi na nila 'yan sa akin, pero alam ko naman ang sarili ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa pocket presscon ng indie movie na Sleepless, na ginanap sa Salu Restaurant, Quezon City, noong nakaraang linggo.

BENJAMIN ALVES. Sa puntong ito, muling naungkat ang sa kanilang dalawa ni Benjamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nanghihinayang na naudlot ito?

Saad ni Glaiza, “Hindi naman, lalo na kapag alam mo sa sarili mo na hindi pa time, e.

“Siguro manghihinayang ka kapag may pinagsamahan na kayo nang sobrang lalim.

“Dun, ako, masasabi ko talaga na manghihinayang ako.

“Pero sa ngayon talaga, wala pa.

“Yung sa amin naman, parang wala lang, hindi na lang kami nag-usap.

“Siguro nasanay na ako sa ganun.”

Hindi naman niya kinumpirma kung parang bula na lang nawala sa kanyang buhay si Benjamin, basta nabalitaan na lang daw niyang nali-link ito kay Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN