Agot Isidro on Duterte's rape joke: "Rape is never funny. Only a fool would think so."

IMAGE Agot Isidro / Presidential Communications on Facebook

Hindi pinalagpas ni Agot Isidro ang panibagong rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa singer-actress, isang baliw lamang ang magsasabing poprotektahan niya ang mga sundalong mang-aabuso, katulad ng panggagahasa, habang umiiral ang martial law sa Mindanao. 


Hindi ikinatuwa ng marami ang panibagong rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa harap ng 2nd Mechanized Infantry Brigade sa Iligan City, noong Biyernes, May 26, sinabi ng Pangulo na siya lamang ang magbabayad sakaling may maling magawa ang mga sundalo habang umiiral ang martial law sa Mindanao.

Aniya, "I will go to jail for you. If you happen to have raped three women, I will own up to it."

Kabilang sa mga tumuligsa kay Duterte ay ang anak ni dating U.S President Bill Clinton na si Chelsea Clinton at former international tennis champion na si Martina Navratilova.

Naghayag din ng pagkadismaya sa pangalawang rape joke ng Pangulo ang ilang human-rights groups, mga moralista, ilang senador, at maging mga kakampi ng Pangulo, katulad ni National Youth Commission chairperson Aiza Seguerra.

Sa kanyang Twitter account nitong nakaraang Sabado, May 27, naghayag din ng pagkadismaya ang singer-actress na si Agot Isidro.

Sabi ng kilalang kritiko ng Pangulo: “Rape is never funny. Only a fool would think so.”

#NASAANANGPANGULO? Bago pa nito, tinuligsa muli ni Agot si Duterte nang pumutok ang gulo sa Marawi City noong Martes, May 23.

Habang nasa Russia si Duterte para sana sa kanyang apat na araw na official visit doon, itinaon ng teroristang grupong Maute ang paghahasik ng kaguluhan sa Marawi.

Nagdesisyon si Duterte na bumalik kaagad ng Pilipinas upang personal na pangasiwaan ang krisis sa Marawi, kasabay ng pagdeklara ng martial law sa buong Mindanao.

Uminit din sa social media ang trending topic na #NasaanAngPangulo.

Kabilang sa mga nag-tweet ng ganitong hashtag si Agot.

Sabi niya sa kanyang tweet: “Panay drugs kasi ang inaatupag. #nasaanangpangulo.”

 

Gaya ng inaasahan, dahil sa kanyang tweet na ito ay binatikos si Agot ng mga tagasuporta ni Duerte.

Ang iba ay pinagmumura pa ang aktres at may ilan namang nagtanong kung ano na ang nagawa niya para sa bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





Hindi na sumagot pa si Agot sa mensahe ng kanyang bashers.

Sa halip, humiling ng dasal si Agot para sa lahat ng nakikipaglaban para sa kaligtasan ng mga taga-Marawi.


Stories We Are Tracking

Clinton daughter slams Duterte's rape joke
Clinton daughter slams Duterte's rape joke
Ex-tennis champ, gov't officials react to Duterte's rape joke
Ex-tennis champ, gov't officials react to Duterte's rape joke
Agot stands firm on 'psychopath' post
Agot stands firm on 'psychopath' post
Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'
Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN