Transgender woman wins The Fiercest of Them All

IMAGE Courtesy: Peru Morena on Facebook

It turns out to be true, a transgender woman has joined the all-female blocktimer show of GMA News TV, The Fiercest of The All. She is Peru Morena, and she won the title.


Isang transgender woman ang nanalo sa reality show ng GMA News TV na The Fiercest of Them All.

Ang The Fiercest of Them All ay isang reality show sa GMA News TV, kung saan 12 local at international female models ang nagtagisan ng lakas at tibay ng loob sa mga pagsubok na kanilang hinarap sa loob ng isang mala-paraisong lugar sa Bataan.

Nagsimulang umere ang programa noong March 5 at nagtapos ito nitong Linggo ng gabi, May 28.

Ang programa ay pinangasiwaan ng Overall Productions.

Mula sa 12 contestants, tatlo ang natira para maglaban-laban sa titulo—sina Peru Morena, Katarina Rumanova, at Mona Lisa Neuboeck.

Sa huli, si Peru ang ibinoto ng judges upang tanghaling "The Fiercest of Them All."

THE GENDER ISSUE. Noong unang linggo ng Abril, isang impormante ang nagparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tapos nang i-tape ang lahat ng episodes ng show at may nanalo na mula sa 12 contestants.

Ngunit laking-gulat umano ng producers at bahagi ng produksiyon na ang nanalo ay hindi tunay na babae kundi isang transgender.

Ayon pa sa aming source, pinag-usapan daw ng management kung muli nilang ite-tape ang finale episode o hayaan na lang matapos ang programa, at saka na lamang sila maglalabas ng pahayag tungkol dito.

Nagtanung-tanong ang PEP tungkol sa impormasyong natanggap namin, ngunit wala kaming nakuhang kasagutan.

Hanggang nitong nakaraang April 17, naglabas ang Overall Productions ng statement na isa sa contestants ng The Fiercest of Them All ay hindi ipinanganak na babae.

“I’M A TRANSGENDER WOMAN.” Sa pamamagitan ng Facebook Live ngayong Lunes ng hapon, May 29, inamin mismo ni Peru na siya ang tinutukoy na hindi ipinanganak na babae.

 

Pahayag ni Peru, “I’ve been thinking about it...

"It’s not easy to really just say it, but, I think, yeah... I think I have something I needed to say.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When you gave that statement… yup, ako po yung tinutukoy nila sa show.

"It’s hard to say, but I’m a transgender woman.

“But, you know I’m all woman now.

"I don’t know how to explain it, but I was born a boy, not a girl.

"But now I changed... you know that, physically, so yun po.

"Yun, yung gender identity na tinutukoy nila."

Twenty-two years old daw siya nang magpa-opera sa Canada, pero hindi niya binanggit kung ilang taon na siya ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN