Julia Barretto thrilled to be Joshua Garcia's 'queen': "Kinilig ako nang bonggang-bongga."

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto has good news to JoshLia fans: "Mayroon naman kaming gagawin na movie ni Joshua so may aabangan kayo... so excited. Sobrang iba ito."

 


Kinilig daw si Julia Barretto at natuwa nang binansagan siyang "My Queen" sa Instagram post ng kanyang ka-love team na si Joshua Garcia.

Magpu-post din ba siya ng "My King" para i-describe si Joshua?

Sagot ni Julia, “My King? Tingnan natin kung may ipo-post akong ganun.

“Marami akong nagugustuhan ng ugali niya, pero siguro yung pagiging maalaga niya, yung pagiging protective niya sa akin.”
 
Labis din ang pasasalamat ni Julia sa init ng pagtanggap ng publiko sa kanya, lalo na ng mga tagahanga sa tambalan nila ni Joshua.

Aniya, “Very thankful, full of gratitude, and very masaya.”

Pagkatapos nga ng tagumpay nila sa Vince, Kath & James ay isang pelikula ang pagtatambalan muli nina Julia at Joshua.

Pagbabalita ng young actress, “We are doing a movie starting end of May, so excited. Sobrang iba ito.”

JULIA’S PLEA. Kumpirmado ring kasabay ng pelikula nina Julia at Joshua ay ang taping ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, ang teleseryeng pagtatambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona, kung saan ka-love triangle nila si Joshua.

Kaugnay nito, bina-bash diumano ng JoshLia fans sina Elmo, Janella, at Joshua.

Pahayag ni Julia tungkol dito, “I understand naman kung saan sila nanggagaling.

“Janella is my friend, sana huwag nilang i-bash, we are just doing our job.

“Nagtatrabaho lang kami para mabigyan kayo ng magandang mapapanood.

"Mayroon naman kaming gagawin na movie ni Joshua, so may aabangan kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN