Duterte supporter Richard Poon says the President's rape joke is "foul"

IMAGE Noel Orsal / RTVMalacanang

While Richard Poon, a supporter of President Rodrigo Duterte, believes that the President was not serious about his rape joke, the singer still believes that it was a bad joke. 


Dismayado ang singer na si Richard Poon sa pagbibirong muli ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa rape.

Ginawa ni Pangulo ang biro tungkol sa rape sa harap ng 2nd Mechanized Infantry Brigade sa Iligan City, noong Biyernes, May 26.

Sa harap ng mga sundalo, tiniyak ni Duterte na sagot niya ang mga aksyon ng mga sundalo, kasunod ng pagdeklara niya ng martial law sa buong Mindanao.

Ito ay bunsod ng ginawang pag-atake ng rebeldeng grupong Maute sa Marawi City noong Martes, May 23.

Bahagi ng talumpati ni Duterte sa harap ng mga sundalo: “I will go to jail for you. If you happen to have raped three women, I will own up to it."

“TERRIBLE EXAMPLE.” Kilalang Duterte supporter si Richard simula pa noong panahon ng kampanya para sa May 2016 elections.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Richard na ang rape joke ni Duterte ay isang “terrible example” para ipahayag kung hanggang saan ang kaya nitong gawin upang akuin ang aksyon ng mga sundalo.

“Foul is foul,” bungad ni Richard sa kanyang post nitong Sabado, May 27.

Dagdag pa niya, “PRRD [Duterte] used a TERRIBLE EXAMPLE (rape) to COMMUNICATE HOW FAR HE WOULD GO TO PROTECT HIS SOLDIERS as commander-in-chief.

Naniniwala si Richard na hindi seryoso ang Pangulo sa biro niya, pero hindi raw ito magandang biro.

“Does he mean it?

“If he did, many of us would NOT support him.

“So we know he did not mean it.

“But using rape to communicate accountability?

“It's like saying: ‘Eh pag sinabing ung 3 mong anak pag ni-rape, si PRRD sasagot sa nagrape, okay ka?’”

Diin pa ng singer, ang halimbawang ginamit ng Pangulo ay hindi naging epektibo upang tiyakin sa mga sundalo ang kanyang pagsuporta sa mga ito.

“Deny it or not, that rape line DIMINISHES PRRD's fierce message of "Ive got your back" accountability for his soldiers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#RapeJoke”

Bukod kay Richard, hindi rin pabor ang kilalang Duterte supporter na si Aiza Seguerra sa biro ng Pangulo.

Si Aiza ang kasalukuyang chairperson ng National Youth Commission. 

Sa kanyang Facebook account, nakiusap si Aiza sa Pangulo na itigil na nito ang biro tungkol sa rape.

Nagpahayag din ng pagtuligsa sa ginawang biro ni Duterte sina Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.

Binatikos din ng international figures ang biro ng pangulo, kagaya nina Chelsea Clinton, anak ni former US President Bill Clinton at Martina Navratilova, former international tennis champion.


Stories We Are Tracking

Ex-tennis champ, gov't officials react to Duterte's rape joke
Ex-tennis champ, gov't officials react to Duterte's rape joke
Clinton daughter slams Duterte's rape joke
Clinton daughter slams Duterte's rape joke

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN