Gerald Anderson renews friendship with ex-girlfriend Kim Chiu

IMAGE Noel Orsal

"Kaya talaga. But it takes time," says Gerald Anderson about being friends with his ex-girlfriend.


Malakas ang loob ni Gerald Anderson na sagutin ang tanong sa titulo ng bagong pelikula nila ni Arci Muñoz na Can We Still Be Friends.

Patunay raw ang bagong TV series nila ni Kim Chiu, ang Ikaw Lang ang Iibigin, para sabihing kaya niyang maging kaibigan ang dating nakarelasyon.

“Kaya kong sabihin genuinely at totoo na kaya ko pong makipagkaibigan sa ex ko, at dahil po yun sa show na ginagawa ko.

“Sobrang blessing nga siya dahil nagkaroon ako ng chance para makasama ko ang ex ko,” pahayag ni Gerald.

Nauna nang sinabi ni Kim sa press conference ng kanilang teleserye na dahil sa kanilang muling pagsasama, pagkatapos ng higit limang taong paghihiwalay, nawala ang anumang harang sa kanilang dalawa.

Sinang-ayunan naman ito ni Gerald.

Saad ng Kapamilya actor, “Genuinely, talagang nagpapakatotoo ako sa inyong lahat, talagang tinatanong ko siya tungkol sa buhay niya, nagkukuwento ako sa kanya tungkol sa buhay ko.

“Every time na magkasama kami, nangangamusta kami.”

Gayunman, aminado si Gerald na hindi ito madaling mangyari.

“Kaya talaga. But it takes time,” sambit ng 27-year-old actor.

Nang matapos ang pagiging housemates nila sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006, naging constant love team sina Gerald at Kim.

Ilang sa mga proyektong pinagsamahan nila ay Sana Maulit Muli (2007), My Girl (2008), at Tayong Dalawa (2009); at ang blockbuster movies na Paano Na Kaya (2010) at Till My Heartaches End (2010).


Stories We Are Tracking

Gerald on past with Kim:
Gerald on past with Kim: "Ako po talaga yung immature."
Kim Chiu: No more wall between me and Gerald Anderson
Kim Chiu: No more wall between me and Gerald Anderson

Sa huling pelikula nila napabalita ang paghihiwalay nina Gerald at Kim bilang magkasintahan sa tunay na buhay.

Ngunit muli pa silang nagkatambal sa pelikulang 24/7 In Love noong 2012.

Samantala, tinanong din si Gerald kung may pag-asang maging kaibigan din niya ang isa pa niyang ex-girlfriend na si Maja Salvador

Matipid na sagot ng binata, “It takes time.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Sa ngayon, masaya naman daw si Gerald sa kanyang love life.

Bagamat iniwasan niyang magbanggit ng pangalan, alam naman ng publiko na madalas niyang maka-date ang kapwa Kapamilya star na si Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling matipid na update niya sa kanilang relasyon, “Masaya naman. Chill-chill kami.”

Sa ngayon, hindi pa tuwirang inaamin ng dalawa kung ano ang level ng kanilang relasyon.


Stories We Are Tracking

Gerald draws inspiration from
Gerald draws inspiration from "special friend" Bea
Gerald Anderson, Bea Alonzo together in Davao during Lent
Gerald Anderson, Bea Alonzo together in Davao during Lent


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN