PEP EXCLUSIVE. Ellen Adarna denies pregnancy rumor: "Nope."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Ellen Adarna, nagbakasyon lamang siya ng isang buwan sa Cebu kaya hindi siya naging aktibo sa showbiz. Hindi raw ibig sabihin nun na siya ay nagdadalantao na. 


Mariing pinabulaanan ni Ellen Adarna na buntis siya ngayon.

Ito ay kanyang itinanggi matapos lumabas sa Funfare column ni Ricky Lo sa The Philippine STAR ngayong Martes, May 30, ang headline na ito: “Is Ellen Adarna preggy?”

Ayon sa ulat, may isa raw kaibigan si Ellen na nagsabi kay Ricky na masaya siya para sa pagdadalantao ngayon ng aktres.

Pero hindi naman pinangalanan ng nasabing source kung sino ang ama ng dinadala umano ni Ellen.

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Ellen tungkol sa balitang ito, sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng text messages sa aming associate editor na si Rommel Llanes ngayong umaga.

Pagtanggi ng 29-year-old Kapamilya star, “Nope."

Ayon pa kay Ellen, nagbakasyon lang siya sa Cebu kaya hindi siya naging aktibo sa showbiz sa loob ng isang buwan. 

"I took a month off for sanity's sake. Went back to Cebu and spent time with my family. That's it," sabi ng aktres.

Walang nababalitang karelasyon ngayon si Ellen, pagkatapos niyang amining naging sila ng presidential son na si Baste Duterte.


Stories We Are Tracking

Baste admits overlapping relationships with Kate and Ellen
Baste admits overlapping relationships with Kate and Ellen
Ellen reveals
Ellen reveals "final straw" in breakup with Baste
Baste Duterte:
Baste Duterte: "Faithful naman ako, hindi lang loyal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN