Luis Manzano lauds news reporters covering Marawi clashes

IMAGE Noel Orsal (left)/Screengrab from GMA News TV (right)

Luis Manzano commends news and current affairs reporters assigned in Marawi City by sharing a viral video of GMA News reporter Jun Veneracion.


Para sa Instagram followers ni Luis Manzano, sanay na silang makita ang TV host-actor na nagpu-post ng mga nakakatawang videos na viral sa internet.

Ngunit kahapon, May 29, sa halip na magbigay-aliw sa kanyang post, nagbigay-pugay si Luis sa news reporters na naka-assign sa Marawi City, kung saan ilang araw nang nagaganap ang engkuwentro sa pagitan ng militar at local terrorist group na Maute.

Ipinost ng Kapamilya star ang video ni GMA reporter Jun Veneracion, na habang nagbibigay ng live update ay biglang nagulat sa tilaok ng isang manok.

Sabi ng The Voice Teens host: "Don't get me wrong, we should all admire the dedication of all news teams from ALL channels giving us information, especially the field reporters putting their lives on the line in dangerous locations, but this is just a too funny vid! :) and on a very serious note... MABUHAY KAYO lahat ng mga news and current affairs sa lahat ng channel at radyo, salamat sa inyo."

Hindi minasama ni Jun Veneracion ang pagpu-post ni Luis ng video niya, na para sa ilang netizens ay nakakatawa.

Gayunman, sinabi ni Jun na sana ay buong version ng kanyang pagbabalita ang ibinahagi ng uploader ng kanyang viral video.

Pahayag ng GMA News reporter: “No problem with this post sir, @luckymanzano. Ako din natatawa sa sarili ko.

“Sana lang the uploader included the serious part which transpired immediately after the funny moment. All good!”


Sabi naman ni Luis, handa siyang i-post ang buong video kung may makukuha siyang kopya nito.

“Hello Sir! If you have the full vid, i would be more than happy to post it, God bless sa inyo dyan Sir also the people behind the camera :) salamat sa inyo :)”


Samantala, narito ang isa pang video na kuha ni Jun Veneracion habang nasa kalagitnaan ng engkuwentro sa pagitan ng militar at Maute group:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN