Glaiza de Castro reveals deep fascination with K-Pop stars G-Dragon and T.O.P.

IMAGE James Patrick Anarcon / Koreaboo

Glaiza de Castro on K-Pop stars: "Kapag nakikita mo sila at kung paano sila nagdi-dedicate ng time dun sa passion nila, talagang hahanga ka. Kasi yun din ang nag-angat sa kanila, e. Naging global phenomenon talaga yun."


Aminado si Glaiza de Castro na isa siyang malaking fan ng Korean pop star na si G-Dragon.

Hindi rin itinanggi ng Kapuso actress na crush niya ang Korean rapper na si T.O.P.

Sina G-Dragon at T.O.P. ay mga miyembro ng sikat na K-Pop group na Big Bang, na kumanta ng hit song dito sa Pilipinas na “Fantastic Baby.”

Ang Big Bang ay kapatid sa management ng dating grupo ni Sandara Park na 2NE1. Pareho silang nasa ilalim ng pangangalaga ng YG Entertainment.

Sa bakasyon ng Kapuso actress sa South Korea ngayong unang linggo ng June, ang isa sa itineraries niya ay ang manood ng world-tour concert ni G-Dragon sa Seoul.

Kuwento ni Glaiza, “Dapat kasi sa Singapore ako manonood, e, parang sold-out na 'ata yung lahat ng tickets.

“Kaya search ako nang search, tapos biglang, ‘Ay, Korea!’

“Actually, yung world tour niya, madami 'yan, e.

“Meron sa Singapore nga, sa Japan, sa Amerika, tapos Korea nga.”

Patuloy niya, “Marami nga ang nagtatanong sa akin kung crush ko ba si G-Dragon.

“Actually si T.O.P talaga, pero oo, si G-Dragon din, kasi magaling siyang performer.

“At saka, sobra siyang nakakaaliw.

“So, yun, humi-hip-hop ako!” natatawang sambit pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actress sa pocket presscon ng indie movie na Sleepless, na palabas pa rin ngayon sa SM Cinemas sa pamamagitan ng "Cine Lokal."

K-POP FEVER. Ibig bang sabihin nito ay kasama siya sa listahan ng local actresses na 'baliw-baliwan' sa mga lalaking K-Pop singers?

Natatawang tugon ni Glaiza, “Ay, medyo! Pinipigilan ko nga ang sarili ko, e.

“Actually, kanina nga, nakakita na naman ako ng concert sa Singapore ni G-Dragon. Pero sabi ko sa sarili ko, 'Hindi, nakabili na ako, e.'

“Hindi ko nga alam kung bakit. Naaaliw lang siguro ako sa hitsura nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag pinapanood ko sila, lalo na nga si G-Dragon, kapag nag-perform, idol ko siya sa ganun.

“At saka naimpluwensiyahan ko si Nanay, kasi kapag nagpapaalam ako sa kanya, sabi niya, 'Sino namang G- Dragon na 'yan?'

“Sabi ko naman, 'Nay, heto panoorin mo, kasi kapag nagpi-perform ako, di ba?'

“Sa future, magkakaroon ako ng concerts, heto ang basehan ko ng magandang concert.

“Sabi ko sa kanya, 'Panoorin niyo.'

“Pinanood naman niya, although nakakunot ang noo.

“Pero may isa akong backer, ang tatay ko. 'Okey 'yan, ha? Okey.'

“Sa bahay kasi, wala talagang masyadong nakaka-gets sa akin pagdating sa K-Pop.”

SOFT SPOT FOR KOREAN STARS. Malambot talaga ang puso ni Glaiza sa K-Pop stars, pati na sa Korean actors.

Saad ng 29-year-old Kapuso actress, “Fascinated talaga ako sa kanila.

“At saka nakikita ko rin naman kung paano sila magtrabaho, mag-aral, mag-train.

“Na-inspire ako kasi, di ba, yun din ang trabaho ko, e.

“Minsan, dumarating ka sa work na walang inspiration, tapos parang, 'O, sige, para matapos na lang.'

“Pero kapag nakikita mo sila [K-Pop stars] at kung paano sila nagdi-dedicate ng time dun sa passion nila, talagang hahanga ka.

“Kasi yun din ang nag-angat sa kanila, e. Naging global phenomenon talaga yun.

"Pero in a way, hindi naman sa naiinggit, alam kong kaya rin natin yun na mga Pilipino para maka-break through din.”

Aminado si Glaiza na attracted siya sa physical features ng mga Koreano.

“Oo, actually, si T.O.P ang talagang crush ko.

“Kaya lang, nasa military service siya ngayon, nasa Gangnam station siya, so hindi ko siya makikita sa mga concert.

“Pangalawa nga si G-Dragon.

“Magaling kasi silang pumorma, at saka kapag nakakakita ka ng confident na tao, naa-attract ka, e.

“Si G-Dragon nga, hindi naman matangkad, at mukhang babae yun, pero kapag nakikita ko yung swag niya, yung kilos, hay!” bulalas ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN