Mo Twister lambasts Mocha Uson for using wrong photo in her post about Filipino soldiers

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Mo Twister to Mocha Uson: "You are also an insult to every hardworking student or aspiring journalist."


Binatikos ng U.S.-based radio disc jockey na si Mo Twister si Mocha Uson dahil sa Facebook post ng huli gamit ang larawan ng mga sundalo mula sa ibang bansa.

Si Mocha ang kasalukuyang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at kilalang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook post ni Mocha nitong Linggo, May 28, nanawagan siyang ipagdasal ang mga Pilipinong sundalo na kasalukuyang nakikipaglaban sa terrorist group na Maute group sa Marawi City.

Kalakip ng post ni Mocha ay larawan ng mga sundalo habang nagdarasal.

Ngunit may mga nag-react na netizens at sinabing hindi mga sundalong Pilipino ang nasa larawan, kundi mga sundalo mula sa bansang Honduras.

Mapapansin din sa suot na uniporme ng mga sundalo ang Honduras flag.

May ilang netizens din ang nag-share ng URL ng site kung saan kinuha ang larawan.

MO CALLS MOCHA INSULT TO JOURNALISM. Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, May 30, binatikos ni Mo Twister ang ginawang post ni Mocha.

Sabi ni DJ Mo, “So this is Mocha Uson in a nutshell.

"She posted this photo yesterday saying let's pray for our army.

“One issue lang. The photo isn't our army.

“You see that little blue flag on each of the soldiers chest? That's the flag of Honduras. These are their soldiers from 2015.

“Mocha, the Assistant Secretary of the Presidential Communications Operation Office does this REGULARLY.”

Inaasahan na raw ni DJ Mo na ipagtatanggol si Mocha ng followers nito at sasabihing ang nais lamang ng PCOO official ay “to convey the message of prayer so don't find negative in that."

Pero para kay Mo, insulto ito sa mga sundalong Pilipino at Hondurans.

"The problem is you're insulting these soldiers, our soldiers, and everyone's intelligence with your fake shit."

Patutsada pa niya, “Mocha, you are journalism kuto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You are also an insult to every hardworking student or aspiring journalist.

“You took away a job from someone more deserving dahil yung ilong mo puno ng bahid ng tae ni #DU30 @mochauson you read up on Section 4 of RA 6713, dumbass.”

Ang Section 4 of RA 6713 ay kilala rin bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

So this is Mocha Uson in a nutshell. She posted this photo yesterday saying let's pray for our army. One issue lang. The photo isn't our army. You see that little blue flag on each of the soldiers chest? That's the flag of Honduras. These are their soldiers from 2015. Mocha, the Assistant Secretary of the Presidential Communications Operation Office does this REGULARLY. Her and her followers will likely defend this by saying, "okay, she used a picture to convey the message of prayer so don't find negative in that." The problem is you're insulting these soldiers, our soldiers, and everyone's intelligence with your fake shit. Mocha, you are journalism kuto. ???????? You are also an insult to every hardworking student or aspiring journalist. You took away a job from someone more deserving dahil yung ilong mo puno ng bahid ng tae ni #DU30 @mochauson you read up on Section 4 of RA 6713, dumbass.

A post shared by Mo Twister ???????? (@djmotwister) on

May ilan na ring previous posts si Mo kung saan pinuna niya sina Pangulong Duterte at Mocha.

Noong January 2017, binatikos ni Mo si Mocha nang ma-appoint ito bilang board member ng Movie and Television Review and Classifications Board.

Pinaalala pa niya ang dating naging pahayag ni Mocha na hindi siya tatanggap ng government position kapag inalok ito.

MISLEADING PHOTO. Samantala, may mga nakapuna rin sa news website ng Philippine News Agency dahil ang ginamit na larawan ng sundalo sa isang report tungkol sa Marawi clashes ay hindi kuha sa Pilipinas.

Sa May 27 report ng Philippine News Agency website, mababasa ang news article na may titulong "Urban warfare a challenge for soldiers in Marawi," kalakip ang larawan ng isang sundalo sa harap ng isang bahay.

Pero ayon sa Rappler, ang larawan ay kuha sa Vietnam at mula sa National Archives and Records Administration. Kuha ito ng Signal Corps Photographs of American Military Activity.

Mababasa pa ang balita sa site subalit tinanggal na ang litrato. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN