Agot Isidro issues warning to bashers; says Duterte's rape joke has no excuse

IMAGE @agotisidro on Instagram

Agot Isidro to her bashers: "Sorry guys, pag hiniritan nyo ako ng 'ano ba ang nagawa mo...' or tanga, bobo, or demeaning words, you're immediately blocked. Capisce?"


Binalaan ni Agot Isidro ang na iba-block niya kaagad ang kanyang bashers sa Twitter kapag may magtatanong muli kung ano ba ang nagawa niya para sa bayan.

Paalala rin niya, huwag na siyang hiritan pa ng mga masasakit na salita dahil ganun din daw ang gagawin niya sa mga ito.

Ayon sa singer-actress, “Sorry guys, pag hiniritan nyo ako ng 'ano ba ang nagawa mo...' or tanga, bobo, or demeaning words, you're immediately blocked. Capisce?”

Ang 'capisce' ay Italian word na ang ibig sabihin ay 'got it' o 'understand.'

Hindi tinukoy ni Agot ang pinanggalingan ng paalala niyang ito.

Ngunit posibleng ang dahilan nito ay ang madalas niyang pagpuna sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, at ang pagbatikos sa kanya ng mga tagasuporta ng Presidente.

RAPE JOKE. Samantala, nakiusap si Agot kay Pangulong Duterte na mag-sorry na lang sa panibago nitong rape joke.

Ito ay kaugnay ng naging talumpati ni Duterte sa harap ng 2nd Mechanized Infantry Brigade, sa Iligan City, noong May 26.

Kaagad namang ipinagtanggol ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Pangulo.

Pahayag ni Aguirre, "Dapat masanay na tayo sa bibig ni Presidente. Do not capitalize on it."

Ngunit kinontra ito ni Agot sa kanyang Twitter post kahapon, May 29.

Sabi niya, “Di dapat nakakasanayan yun. Ang mali ay mali. Walang excuse po dun, sir. Mahirap ba po mag-sorry?”


Stories We Are Tracking

Agot Isidro reacts to Duterte's latest rape joke
Agot Isidro reacts to Duterte's latest rape joke


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN