Sam Concepcion engages in word war with troll who called him "laos" and "starlet"

IMAGE Grace Ferrer

Hindi nakatiis si Sam Concepcion at pinatulan ang isang basher sa Instagram na tumawag sa kanya ng "laos" at "starlet."


Hindi pinalampas ng singer-actor na si Sam Concepcion ang isang basher na tinawag siyang "laos" at "starlet."

Sa Instagram post ni Sam kahapon, May 29, nagpasalamat ang Kapamilya star sa mga dumalo sa music festival kung saan isa siya sa mga guest.

Sabi niya sa caption: “The stage is my favorite place in the world. Thank you Manila!”

The stage is my favorite place in the world ???? Thank you Manila x!

A post shared by sam_concepcion (@sam_concepcion) on

Isang netizen, na may handle name na _lunabathaluman, ang nagkomento.

Sinabi nitong nagpi-"feeling masyado" si Sam dahil wala naman daw tumitili sa kanya sa show.

Sinang-ayunan ito ng isa pang nag-comment.



 

Sinagot ni Sam ang netizen.

Aniya, hindi man siya tinilian, pero malaki naman ang bayad sa kanya.



Natawa naman ang girlfriend ni Sam na si Kiana Valenciano sa kanyang naging sagot.

"LAOS X STARLET." Bukod kay Kiana, nagkomento rin ang kapatid nitong si Gab Valenciano.

Sabi ni Gab, baka ang nasabing troll ay mukha talagang troll.


Pero hindi pa rin tinantanan ng basher si Sam. 

Ayon sa netizen, mura lang ang talent fee ni Sam dahil "laos" na siya. Tinawag din siyang "starlet."

Hindi naman nagpatinag si Sam at sinagot muli siya nito.



Binalingan din ng basher si Gab na tinawag niyang "mukhang taong grasa."


Pero hindi na ito pinatulan ni Gab.


Tila suportado naman ni Kiana ang pagsagot ni Sam sa basher.


Sunod na ring nagkomento si Paolo Valenciano, ang kuya nina Gab at Kiana. 


Dito na natapos ang word war ni Sam, ng magkakapatid na Valenciano, at ng basher. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN