Sylvia Sanchez reveals daughter Ria Atayde plans to join Miss World Philippines

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez (right) on daughter Ria Atayde (left): "Ngayong desisyunan niya kung ano ang gusto niya, mag-beauty queen siya o gusto niyang mag-showbiz, ayoko siyang pakialamanan. Kung ano ang gusto niya, bahala siya."


Kinumpirma ni Sylvia Sanchez na may balak sumali sa Miss World Philippines ang anak niyang si Ria Atayde.

Kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kinukuha naman siya talaga, miniting kami nun.

“Kailangan, Miss World, kailangan sobrang payat.

“Gusto niya talaga, pero bahala siya, kasi tuluy-tuloy ang taping niya.

“So, pag pumasok kasi siya, stop muna siya ng taping.”

Kabilang si Ria sa cast ng ongoing primetime series ng ABS-CBN na My Dear Heart.

Patuloy ni Sylvia, “Ngayong desisyunan niya kung ano ang gusto niya, mag-beauty queen siya o gusto niyang mag-showbiz, ayoko siyang pakialamanan.

“Kung ano ang gusto niya, bahala siya.”

Pangarap daw kasi ng mister ni Sylvia na si Art Atayde na maging beauty queen o newscaster ang kanilang anak na babae.

“Sobra akong proud, proud na proud,” sambit ng The Greatest Love actress.

“Ang may pinakapangarap nun ay daddy niya.

“Kasi ako, okay na sa akin pag-aartista, pero yung daddy niya, gusto siyang maging newscaster, beauty queen.

“Yun talaga ang pangarap ng daddy niya.

“Kung may matutuwa diyan, daddy niya.”

Si Ria ang ikalawa sa limang anak nina Sylvia at Art. Ang panganay ay ang aktor na si Arjo Atayde.

Ang Miss World Philippines franchise ay nakuha na ng talent manager na si Arnold Vegafria, pagkatapos itong bitawan ni Cory Quirino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN