Kim Rodriguez denies she is pregnant

IMAGE John Fontanilla

Kim Rodriguez on rumor that her new boyfriend is an actor-politician who gave her a condo unit: "Siguro kung totoo yun, hindi na ako magtatrabaho. Hindi na ako magre-renew ng kontrata para magpuyat akong magtrabaho."


Mariing itinanggi ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez na siya ang tinutukoy sa blind-item report tungkol sa isang young actress na buntis diumano ngayon. 

Ito na ang pangalawang beses na napabalitang buntis si Kim, at sa pangalawang pagkakataon din ay muli nitong itinanggi ang balita.

Pahayag ng 22-year-old actress, “Opo, aware po ako sa blind item na yun, kasi sabi ng mga friend kong nakabasa, parang ako raw yun.

“Sabi ko, hindi totoo na buntis ako.

“Nagpu-post nga ako kung saang beach nagpupunta, at saka hindi naman totoo.

“Makikita niyo naman kung buntis ako o hindi, e, di ba?”

Be careful who you share your weakness with. Some people can't wait for the opportunity to use them against you. ????????

A post shared by Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez) on

Pero aminado si Kim na tumaba siya ngayon.

Aniya, “Siguro ganoon talaga pag masaya, e.

“Masaya ako sa buhay ko ngayon at masaya ako sa career ko, dahil kare-renew ko lang ng contract ulit [sa GMA] last month lang.

“And mayroon akong upcoming movie rin.”

Dagdag pa ni Kim, “Siguro na-enjoy ko lang ang bakasyon ko at nagkakain.

“Sinulit ko ang bakasyon ko habang walang trabaho.

“Pumunta ako sa Bangkok, Phuket, Singapore...

“Kain ako nang kain, kaya pagdating ng Pilipinas, tumaba ako.

“Pero ngayon, nagda-diet na ako at nagdyi-gym bago magsimula yung teleserye kong gagawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa celebrity screening ng indie film na Bhoy Intsik, na ginanap sa Cinema 5 ng Fisher Mall, sa may Quezon Avenue, noong May 28.

Ang screening ay sponsored ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

NO POLITICIAN BOYFRIEND. Itinanggi rin ni Kim na isang actor-politician ang boyfriend niya ngayon.

“May nabasa rin ako na nali-link ako sa actor-politician.

“Marami akong kaibigan. May friend din akong actor-politician, pero wala pa akong nakakarelasyon.” 

Kaya hindi rin daw totoong binigyan siya ng condo unit ng sinasabing pulitiko.

“Hala, yung condo ko, yung kotse ko, ako ang nagbabayad.

“At saka alam ng manager ko ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana may bodyguard ako ngayon kung may karelasyon akong politician.”

Diin ni Kim, “Hindi, wala, wala…

“Siguro kung totoo yun, hindi na ako magtatrabaho.

“Hindi na ako magre-renew ng kontrata para magpuyat akong magtrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN