Angel Locsin apologizes to netizen she mistook for a hater

IMAGE Noel Orsal

Angel Locsin gets enmeshed in the Twitter war between her supporter and an army of KathNiel fans in connection with the upcoming telelserye, La Luna Sangre.

 


Humingi ng paumanhin si Angel Locsin sa isang netizen na napagkamalan niyang hater.

Ito ay may kinalaman sa pagiging bahagi ng aktres sa upcoming ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.  

Magkakaroon ng special participation sina Angel at John Lloyd Cruz sa serye na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nagsimula ang lahat nang sunud-sunod mag-tweet ang netizen na si @KapamilyaKUDA noong nakaraang linggo.

Binabatikos nito si Kathryn at ang pagkakapili rito para sa papel ni Malia, ang bidang babae sa serye.

Tweet pa ng netizen, sana raw ay kay Angel na lang ibinigay ang role, lalo pa’t sa dalawang prequels (Lobo at Imortal) ay si Angel ang nagbida.

Naka-tag sa tweets ng netizen si Angel.



Dahil sa pamba-bash ng netizen, sunud-sunod ang pagdepensa ng KathNiel fans at binatikos si @KapamilyaKUDA.

Sa sagutan ng dalawang kampo sa Twitter, naka-tag si Angel.

Sumagot na rin si Angel.

Sa takbo ng palitan nila ng tweets, ang pagkakaintindi ni Angel ay isang KathNiel fan si @KapamilyaKUDA at bina-bash siya sa pagpasok niya sa teleserye.

Sagot ni Angel, hindi na niya kailangang gawin pa ang La Luna Sangre, pero pinili pa rin niyang gawin ito para suportahan ang sikat na love team ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag naman ang netizen na walang isyu sa kanya ang KathNiel fans, kundi ipinaglalaban lang niyang si Angel pa rin ang bida sa upcoming series.

No.Ms. @143redangel Walang issue ang KN sayo. Ako po ang may issue sa kanila dahil gusto ko po na ikaw pa din si Malia. Sorry po for that.

Agad namang humingi ng sorry si Angel.

Humingi rin ng sorry ang netizen sa pagkakadamay ng Kapamilya actress. 

Nagpatuloy sa pagbatikos ang KathNiel fans sa netizen dahil nadamay sila sa pamba-bash nito kay Kathryn.

Tweet ng iba, hindi lang dapat kay Angel humingi ng sorry ang netizen kundi sa kanila rin at kay Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Depensa ng netizen, hindi niya kasalanan kung nagkamali ng intindi si Angel sa pakikipagpalitan niya ng tweets sa KathNiel fans.

Nag-sorry lang daw siya sa aktres dahil hindi niya inakalang babaliktad ang mga pangyayari at mapapasama ang KathNiel sa tingin ni Angel.

Pagtatanggol naman ng KathNiel fans, tanggapin na lang ang katotohanan na ang role ay ipinagkatiwala ng ABS-CBN management kay Kathryn.

Ang La Luna Sangre ang sequel ng teleseryeng pinagbidahan nina Angel at John Lloyd na Imortal (2010-2011), na siya namang sequel ng teleseryeng Lobo (2008) na pinagbidahan noon nina Angel at Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN