Alma Moreno puts on a brave front for son Mark Anthony Fernandez

IMAGE Noel Orsal

Alma Moreno on son Mark Anthony Fernandez who is now in jail: "Okay naman ngayon dun si Mark. Pero siyempre, nandun pa rin yung lungkot niya pag umalis na ako, medyo teary-eyed na siya. Kasi hindi naman madali pag nandun, kaya hindi naman ganun ka-okay, di ba?"


Ilang araw na nagbakasyon sa Hong Kong si Alma Moreno, kasama ang dalawang anak, bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang 58th birthday noong May 25.

Birthday gift daw ito sa kanya ng kapatid niyang si Cristine, at nag-ambag-ambag naman ang mga anak ni Alma para sa baon niya.

Kuwento ni Alma, “Si Vandolph, nung birthday ko kasi, nag-dinner kami sa Resorts World.

“Nagbigay si Vandolph, si Yeoj, si Winwyn, si VJ, na kahit may konting kita. Kumbaga, nag-share sila.

“At yung tatlong may trabaho na, yun ang medyo okay, gaya nung kay Winwyn.

“Alam kasi nila na masyado akong stressed, na alam naman nila ang mga pinagdaanan ko.

“So, sabi nila sa akin, ‘Mama, ito lang yung time na hindi mo maramdaman…’

“Sabi nila sa akin nung birthday ko na kami-kami lang talaga ng mga anak ko. Wala lang si Mark siyempre.”

Ang tinutukoy ni Alma ay si Mark Anthony Fernandez, na nakakulong ngayon sa Pampanga dahil sa illegal possession of marijuana.

Si Mark ay anak ng aktres sa yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Si Vandolph naman ay anak ni Alma sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

At sina Yeoj, Winwyn, at VJ ay anak ng actress-politician sa aktor na si Joey Marquez.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alma, sa pamamagitan ng telepono, kahapon, May 30.

VISITING MARK. Masaya raw ang ilang araw na bakasyon ni Alma na wala siyang iniisip.

Pero bago siya nag-birthday ay dinalaw muna niya si Mark sa kulungan nito sa Pampanga.

Kuwento ni Alma, “Nung [May] 24, dumalaw ako, maghapon ako dun kay Mark.

“Okay naman ngayon dun si Mark. Pero siyempre, nandun pa rin yung lungkot niya pag umalis na ako, medyo teary-eyed na siya.

“Kasi hindi naman madali pag nandun, kaya hindi naman ganun ka-okay, di ba?”

Patuloy niya, “Siyempre sumusunod talaga kami sa proseso, kaya adjust pa rin at mahirap talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ako, nandiyan yung hirap.

“Kasi pag nandun ako kay Mark, hindi ko ipinapakita na kapag maiiyak siya, maiiyak ka na rin, hindi ganun.

“Basta ang importante, lagi kong sinasabi sa kanya na magdasal, hawak sa Panginoon, yun lang sa akin.

“Iyon lang naman ang importante dun, e, saka ongoing naman lahat, e. Nandiyan naman si Attorney Sylvia [Flores].”

MARK’S CASE. Ayaw nang pag-usapan pa ni Alma ang detalye ng kaso ni Mark, pero tuluy-tuloy naman daw ang hearing at sinusunod nila kung ano ang utos ng korte.

Wala raw siyang masasabi pagdating sa kaso dahil mas alam naman daw ito ng kanilang abugado.

"Basta ako, gusto ko maging positive lang. Ayoko ng nega, e.

“Yun din ang sinasabi ko kay Mark na, ‘Anak, maging positive ka. Huwag kang ma-depress.

“‘Huwag lang mag-isip na hindi ka maging ganito, ganyan. Yun ang hingin mo kay Lord na positive ka.

“‘Kasi yun ang mangyayari, laban lang. Dapat maging strong.’

“Pero siyempre, sabi ko kay Mark, ‘Pagdadaanan mo lahat ‘yan.”

Nagpapasalamat naman si Alma sa mga malalapit na kaibigan at pamilya nilang hindi nakakalimot na dalawin ang kanyang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN