Alma Moreno saddened by Marawi conflict: "Dasal ko na maayos na yung problema dun."

IMAGE Noel Orsal

Alma Moreno on Marawi clashes: "Nalungkot ako nang nakita ko sa news na nadadamay pati mga sibilyan. Dasal ko nga na sana matapos na, na maayos na yung problema dun kasi nakakaawa yung mga sibilyan na namamatay."


Habang nasa Hong Kong si Alma Moreno ay nagulat siya sa ilang nagti-text sa kanya nang sumiklab ang gulo sa Marawi City.

Ang ilan daw sa mga nagti-text sa kanya ay hindi pa alam na matagal na silang hiwalay ng dating alkalde ng Marawi City na si Fahad Salic.

Kuwento ni Alma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagulat ako, kasi sabi ko sa kanila, matagal na kaming hiwalay at matagal na kaming walang komunikasyon.

“Wala naman kaming problema nun, mabait naman yun sa amin sa mga anak ko.”

Nalungkot lang daw siya dahil ilang beses din siyang nakakapunta ng Marawi bilang bahagi ng trabaho niya nung konsehal pa siya ng Parañaque at dating presidente ng Philippine Councilors’ League.

Saad niya, “Siguro mga tatlong beses ako nakapunta doon dahil may mga kakilala akong konsehal din doon.

“Mababait pa naman ang mga tao dun.

“Nalungkot ako nang nakita ko sa news na nadadamay pati mga sibilyan.

“Dasal ko nga na sana matapos na, na maayos na yung problema dun kasi nakakaawa yung mga sibilyan na namamatay.

“Nalungkot ako dun, isinama ko yun sa dasal ko yun na magkaroon na ng katahimikan, kasi nakakaawa, e.”

NAIA SITUATION. Isa si Alma sa naapektuhan ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, May 30.

Hindi nakalapag ang mga dumarating na eroplano dahil sa diperensiya sa runway, kaya na-divert sila sa Clark, Pampanga.

Ilang oras silang naghintay doon hanggang sa naayos ang problema sa NAIA.

Nakatanggap ng text message ang PEP mula kay Alma.

Halos apat na oras na raw silang naghihintay sa loob ng eroplano, at hinihintay ang payo na puwede na silang lumapag sa NAIA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN