Presidential daughter Kitty Duterte cusses out hater; defends family, Russia trip

IMAGE Courtesy: Mocha Uson Blog on Facebook

Veronica 'Kitty' Duterte shows her fangs in defending her family against a nosy basher who sneers at her family background. Here she is flanked by her dad, President Rodrigo Duterte, and her mom, Honeylet Avanceña.


Mana sa ama.

Ito ang obserbasyon ng ilang Instagram followers ng presidential daughter na si Veronica 'Kitty' Duterte, matapos nitong sagutin ng maaanghang na salita ang isang basher na pinuna ang pagsama nito sa official visit ng kanyang ama sa Russia.

Sa Instagram post ni Kitty ng isang larawan kuha sa Russia, nag-comment ang netizen na may handle name na @lesliesocal:  “tax payers vacation?” 

Wala rin daw karapatan si Kitty at ang ina nitong makasama sa nasabing Presidential visit.

Ang ina ni Kitty na si Honeylet Avanceña at ang half-brother niyang si Sebastian 'Baste' Duterte ay kasama rin sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa official visit nito sa Russia.

Noong May 23 pa ang post ni Kitty, ngunit nitong mga nakaraang araw lamang ito umingay dahil sa pagpatol niya sa nasabing troll.

a pic of me with no sleep ????

A post shared by ??Veronica?? (@vduterteee) on


Sagot dito ng 13-year-old na si Kitty: “The president had important business there. He was working and we went with him. Nagtatrabaho at may sweldo sya. Kapal mo @lesliesocal.”


Ngunit hindi pa rin tumigil ang basher.

Buwelta nito sa bunsong anak ng Pangulo: “@vduterteee how illegitimate!!! Just say you tag along to see the sight & a little R&R. What’s wrong with that explanation & f*#k you too!!! There’s no need for the bird, just say it!!! I’m sure your step sister @indaysaraduterte is loving your post… She should be there instead of YOU, together with her mother instead of the presidents mistress!!!!!!!!!!”


Tila hindi na napigilan ni Kitty ang kanyang galit at tinawag ng kung anu-anong masamang salita ang basher.


Sinabi pa ni Kitty, matagal nang annulled ang kasal ng ama sa una nitong asawang si Elizabeth Zimmerman bago nagkaroon ng relasyon ang kanyang mga magulang.


Marami namang followers si Kitty ang nagalit at pinaulanan ng batikos ang basher.










STANDING UP FOR HER FAMILY. May isa namang nagtanong kay Kitty kung ano ang pagkatao niya kung hindi siya anak ng isang presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Tugon ni Kitty, "i'm a girl who stands up for herself and for her family and a girl who refuses to let idiots bring her down."


DON'T BE TOO HARSH. May isa namang follower si Kitty ang hindi nagustuhan ang mga ginamit na salita ng presidential daughter upang kontrahin ang basher nito.

Dapat din daw siyang maging magandang halimbawa para sa iba.


Sagot ni Kitty, nagamit niya ang mga ganoong salita dahil iniinsulto nito ang kanyang ina. 


Paglilinaw pa ng netizen, suhestiyon lang naman ito at hindi niya iniinsulto si Kitty.



May isa ring nagsabi na dapat daw, kapag binato ng bato ay batuhin niya lamang ito pabalik ng tinapay.

Sagot ni Kitty, hindi siya ganung klaseng tao.



Sa huli, sinabi ni Kitty na tinuruan siya ng kanyang mga magulang na huwag hayaang insultuhin siya ng ibang tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN