Sef Cadayona finally speaks up about breakup with Andrea Torres

IMAGE Noel Orsal

Sef Cadayona on avoiding interviews: "Hindi naman sa umiiwas, kaso lang kasi, hindi ko lang alam kung ano ang mga isasagot ko. Totoo 'to, ha... Tapos, masyadong nahaluan ng kulay."


Madalas umiwas ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona kapag natatanong tungkol sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Nang pumutok ang balitang hiwalay na sila ni Andrea Torres, bagamat hindi sila kailanman umamin sa kanilang relasyon, ay nanatiling tahimik si Sef.

Ngayon naman ay nauugnay ang pangalan niya sa phenomenal star na si Maine Mendoza.

Ito ang dahilan kung bakit bina-bash nang husto ngayon si Sef ng mga masugid na tagasuporta ng love team nina Maine at Alden Richards.

Sa kabila nito ay tahimik pa rin si Sef.

SEF FINALLY SPEAKS UP. Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sef sa taping ng GMA primetime series na Meant To Be, sa Eastwood, Quezon City, kahapon, May 31, nagsalita na siya sa wakas sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Aminado ang StarStruck alumnus na naaapektuhan siya ng mga isyu at batikos na ibinabato sa kanya

“Naaapektuhan, kaya hindi ako nagsasalita,” sambit niya.

Direkta naming tinanong si Sef kung umiiwas talaga siya sa interviews, malayo sa pagiging magiliw niya noon tuwing nakakausap ng entertainment press.

Madalas, hindi na siya nagpapa-interview tuwing presscon ng mga programa niya sa GMA Network.

Paliwanag ni Sef, “Hindi naman sa umiiwas, kaso lang kasi, hindi ko lang alam kung ano ang mga isasagot ko. Totoo 'to, ha...

“Tapos, masyadong nahaluan ng kulay.”

Nilinaw namin kay Sef kung ang tinutukoy ba niya ay ang breakup nila ni Andrea o ang pagkaka-link niya kay Maine.

“Halo-halo, e, parang nagsama-sama siya,” pag-amin niya.


Stories We Are Tracking

Andrea Torres still mum about rumored BF Sef Cadayona
Andrea Torres still mum about rumored BF Sef Cadayona
Did Sef Cadayona confirm split with Andrea Torres?
Did Sef Cadayona confirm split with Andrea Torres?
Sef Cadayona clarifies rumored breakup with Andrea Torres
Sef Cadayona clarifies rumored breakup with Andrea Torres

BREAKUP WITH ANDREA. Pagkatapos nito ay nagsalita na si Sef tungkol sa naging relasyon nila ni Andrea.

Aniya, “Magulo po kasi, magulong-maayos ang hiwalayan namin.

“Siguro, kasi nga, wala namang good breakup.”

Nagkausap na ba sila pagkatapos nilang mag-break?

Ayon kay Sef, “Nagkaroon na po kami ng communication, pero one time lang. 

“Nagkaroon ng isang event sa GMA, dun kami nagkasama, nagkausap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May closure ba ang breakup nila ni Andrea?

“Meron... actually, kaya nagkita kami para dun,” pag-amin niya.

Itinanggi naman ni Sef na ang breakup nila ni Andrea ang dahilan kung bakit hindi na napapanood ang comedian sa Bubble Gang, kung saan pareho silang mainstays.

Paglilinaw ni Sef, “Ay, hindi po, dahil po talaga sa M-W-F, or minsan Wednesday, Thursday, Friday po kami rito [sa Meant To Be].

“Hindi po ako makaalis talaga para sumegue.”

Pagkatapos daw ng Meant To Be ay babalik na siya sa Bubble Gang.

Kahit na nandoon din si Andrea?

“Opo,” mabilis niyang sagot.

“Siyempre, iba naman ang ano… nirerespeto naming pareho ang trabaho namin. 

“Kung anuman, e, di ganun lang.”

Kaya pa nilang makipagtrabaho sa isa’t isa?

Ayon kay Sef, “Opo, very, very much. Puwede pa rin kaming magkaroon ng good working relationship.”

Puwede rin bang mauwi sa pagigiging magkaibigan ang relasyon nila?

“Hindi mo rin naman maiaalis ang pinagsamahan namin,” nakangiting sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN